Monday, February 25, 2008

ENDING!!!

Ano na kayang ending?

- sa movie? Nope

- sa teleserye? Nope..

- ending ng away sa kanto? Nope..

- ending sa PBA? Hehhe yes!

Tama, isa ako sa mga nagpapataya ng ending nung estudyante ako. Simula nung elementary,highskul hanggang sa mag-aral na’ko ng college sa PLM.

Ba’t nga ba ako nagpapa-ending nung unang panahon?

Batang tondo ‘to eh!

Kung nabasa nyo ang story ko bout shampoo or itlog malalaman nyo kagad ang sagot..

Rumaraket ako para lang may maibaon sa school kinabukasan o kaya naman para may extra money kaming panggastos ng mama ko.

“Sana po walang manalo!” yan ang prayers ko bago matapos ang game…

Syempre para kabig ko lahat ng pera at sa’kin mapunta.

“Sana po magbigay ng balato yung nanalo..” yan naman ang dasal ko pag may nanalo na sana wag syang kuripot at magbigay naman ng balato..

Madali lang namang magpataya ng ending eh. Ang gagawin mo lang ay mangulit sa mga kapitbahay at sa mga friends na tumaya sila sayo.

Kelangan mapuno mo lang yung card mo pag nangyari yun..may tubo ka na!

Nung naghighschool na’ko hanggang college, sa may pier (MICT) na’ko nagpapataya ng ending. Mas mabilis kasi mapuno eh..Umaakyat ako sa bawat truck na kakilala ng tita ko na nagtitinda naman dun.

Mas mabilis mambola sa mga driver at pahinante ng truck..ilang oras lang puno kagad ang karton ko. Wala naman akong ginagawang masama pag umakyat ako..purely business lang!

Pero sa totoo lang marami dung babaeng tinatawag na “akyat truck”.

Yun ang mga babaeng kumakapit sa patalim..

Mabuti na lang ako..nagpapaending lang…

Sugal? Oo!

Bawal? Oo!

Pero ginawa ko dati para lang sa pag-aaral ko…nakatapos naman ako diba?

At least may pinatunguhan ang sugal na ginawa ko’ng hanapbuhay.

-“Taya ka ng ending?!”

No comments: