Wednesday, January 13, 2010

paalam dubai

Paalam Dubai. Parang kelan lang halos illipad ko ang katawan ko makaalis lang ng Pinas at makarating lang ng Dubai. Ngayon, dalawang tulog na lang at babalik na ko sa Pinas for good. Hindi naging madali sakin ang desisyon nato.. pero sa tuwing maiisip ko si Kidlat sinasabi ko sa sarili ko – tama ang desisyon ko.

Ang dami ko sanang gustong isulat.. ang dami ko gustong ikwento.. pero parang masyado akong lutang ngayun. I don’t know how to express my feelings at this point. Hindi kasi naging mailap ang sakin ang maayos na kapalaran sa Dubai.. mabilis ako nakahanap ng maayos na work, di ko naranasan magexit, di ko naranasan maghanap ng part-time job.. sakto lang.. sapat lang – ganun ako. Pero may mga ilang wrong move ako na ginawa kaya naging rocky-road ang buhay disyerto ko. Ok lang din.. nakayanan ko naman kahit na super lubak na ng pinagdaanan ko. Salamat at may Diyos.

No comments: