Monday, February 25, 2008

ENDING!!!

Ano na kayang ending?

- sa movie? Nope

- sa teleserye? Nope..

- ending ng away sa kanto? Nope..

- ending sa PBA? Hehhe yes!

Tama, isa ako sa mga nagpapataya ng ending nung estudyante ako. Simula nung elementary,highskul hanggang sa mag-aral na’ko ng college sa PLM.

Ba’t nga ba ako nagpapa-ending nung unang panahon?

Batang tondo ‘to eh!

Kung nabasa nyo ang story ko bout shampoo or itlog malalaman nyo kagad ang sagot..

Rumaraket ako para lang may maibaon sa school kinabukasan o kaya naman para may extra money kaming panggastos ng mama ko.

“Sana po walang manalo!” yan ang prayers ko bago matapos ang game…

Syempre para kabig ko lahat ng pera at sa’kin mapunta.

“Sana po magbigay ng balato yung nanalo..” yan naman ang dasal ko pag may nanalo na sana wag syang kuripot at magbigay naman ng balato..

Madali lang namang magpataya ng ending eh. Ang gagawin mo lang ay mangulit sa mga kapitbahay at sa mga friends na tumaya sila sayo.

Kelangan mapuno mo lang yung card mo pag nangyari yun..may tubo ka na!

Nung naghighschool na’ko hanggang college, sa may pier (MICT) na’ko nagpapataya ng ending. Mas mabilis kasi mapuno eh..Umaakyat ako sa bawat truck na kakilala ng tita ko na nagtitinda naman dun.

Mas mabilis mambola sa mga driver at pahinante ng truck..ilang oras lang puno kagad ang karton ko. Wala naman akong ginagawang masama pag umakyat ako..purely business lang!

Pero sa totoo lang marami dung babaeng tinatawag na “akyat truck”.

Yun ang mga babaeng kumakapit sa patalim..

Mabuti na lang ako..nagpapaending lang…

Sugal? Oo!

Bawal? Oo!

Pero ginawa ko dati para lang sa pag-aaral ko…nakatapos naman ako diba?

At least may pinatunguhan ang sugal na ginawa ko’ng hanapbuhay.

-“Taya ka ng ending?!”

Friday, February 22, 2008

salamat sa pana mu pareng kupido!

Ito ang ang araw namin ni manong -- ang pinaka-aantay naming sandali! Matagal din namin 'tong pinaghandaan... actually, dumaan kami sa napakatagal na pag-iisip, pagpaplano at sa sobrang habang proseso upang maisakatuparan ang aming pangarap. Isang linggo... tama.. umabot din yun ng isang napakatagal na one week -- at tarraaannnn kasal na kami!

Hindi kami naglalaro lang.. hindi rin naman namin 'to idinaan sa toss coin, o kaya sa jack en poy.. mas lalong hindi kami nagjojoke. Parang hindi lang totoo... Parang natulog lang ako isang gabi, nanaginip at pagkagising ko asawa ko may asawa na pala ako.

Sa totoo lang 'pag binabalikan ko ang araw na yun napapngiti na lang ako.. hindi ko kasi maimagine na ang akala ko na isang ordinary day lang naman dapat ay magiging extra-ordinary at extra-special. Yun na ata ang pinakamagandang pagmulat ng mata ko sa umaga kahit na puyat ako sa excitement at kaba.

Yup.. kinakabahan talaga ako.

Langya, pa'no na lang kung hindi nya ko siputin?

Pano kung pagkagising nya bigla na lang sya nagbago ng isip at hindi na lang ako pakasalan?

Pa'no kung biro lang pala 'to lahat at pinasasakay lang ako?

Pano kung bigla na lang nya ko sabihan ng " sorry manang.. but the game is over?"

Pero imposible yun..i know mahal ako ni manong.. kaya nga nagawan nya ng paraan na maiposas ako sa loob lamang ng ilang oras na pag-iisip kung pano nya ko pakakasalan bago ako makasakay ng eroplano.

Since 10 am ang kasal namin maaga ako gumising para hindi naman ako malate. But since mabagal talga ako kumilos.. nalate pa rin ako at nakarinig ako ng galit na boses sa phone, "parang hindi ka excited na ikakasal tayo ah.."

Asus.. kung alam lang nya na hindi ako nakatulog at kinailangan ko pa uminom ng san mig light para lang antukin. (heheh hindi nya to alam..) At kung alam lang nya na gusto ko magsuot ng over gandang gown at magpaayos sa pinakamagaling na bading that day.. ganun ako kaexcited!

Pagdating sa aming tagpuan.. wala pa ang aking groom.. kinabahan na naman ako! Hindi kaya ako iinjanin nun?! Pero naisip ko na baka nahirapan sa kakaisip kung anong isusuot... baka mamaya nagbarong pa ang loko talbog ako kasi pang-mall lang ang outfit ko.

Oh well, parang pelikula.. slow motion na papalapit sa'kin ang isang pedicab at bumaba ang pinakagwapong ikakasal sa balat ng lupa. Hhhhmmm...mejo pormal. He was wearing polo na hindi nman nya sanay na suotin, jeans , at converse na chuck! Astig.. ang lufet!

Sa sobrang pagkamangha ko sa pagkapormal nya nawala ako sa sarili at nauntog pagsakay sa taxi. Kinabahan ako... baka maalog ang utak ko at bigla ko na lang maisip na magback-out. Pero hindi mangyayari yun.. hindi matatanggal ng isang malakas na pagkauntog ang pagmamahal ko kay manong. Maganda ata yung quality ng helmet na ginamit nya sakin eh.. peace mahal!

Ilang minuto bago ang kasal nag-away pa kami as in...nag-agawan kami ng cp, naggalitgalitan, hanggang sa di na kami nagpansinan. Akala ko nga ayawan na eh - yung tipong " bahala ka sa buhay mu pakasal ka sa lelang mung panot.."

Pero -this is it! Tunay na 'to..pagkadating ng magkakasal samin nakalimutan namin bigla na magkaaway pala kami. To the highest level na ang aming mga ngiti. Parang pelikula ulit.. natetense ako habang hawak ang kamay nya at isinusuot ang singsing sa kanyang daliri at sinasabing " manong, wear this ring as a sign of my luv and loyalty, in sickness and in health, for richer or for poorer... till death do us part... "

Ayokong umiyak.. pero deep inside naiiyak ako sa sobrang saya.

Ang saya.. kahit na hindi ako nakagown, hindi ako nakamake-up, kahit na wala akong flowers na hawak, kahit na walang ring bearer at flower girls, kahit na walang reception, kahit na walang bisita, kahit na isa lang ang ninang at walang ninong, kahit na walang honeymoon after, kahit na namasyal lang kami sa sm manila para magpapicture at manood ng sine, kahit na kami lang dalawa ang magkasama.. ibang klase ang saya.

And that special day, feb 06, 2008 - WAS THE FIRST DAY OF OUR "FOREVER".

--- salamat sa pana mo pareng kupido!