Showing posts with label wedding. Show all posts
Showing posts with label wedding. Show all posts

Friday, January 16, 2009

dec 23, 2008 "i do.. the second time around (our church wedding)

I do.." the second time around.


I remember when we had our civil (secret) wedding.. wala kaming bisita, no preparation, we only asked Ninang Lorna to be our ninang kasi wala kaming witness talaga. We were both wearin jeans..we had our reception at shakeys, sm manila.. kumain lang kami then nagpapicture at pagkatapos umuwi sa bahay.

But our church wedding was really the opposite. Sobrang hirap ng preparation dahil sobrang rush. Nakailang away-bati din kami in discussing our wedding details. Andaming bagay na hindi kami magkasundo.. akala ko nga hindi na matutuloy yung kasal eh. Hindi ko pa alam kung paano ko paiikliin ang dami ng bisita ko dahil sobrang laki talaga ng pamilya ko plus andami ko pang friends.. sumasakit talaga ang ulo ni mister.


Andami pa naming kulang na requirements sa simbahan at ilang araw na lang hindi pa kami nakukumpilan, hindi pa namin napapasa yung questionaire sa San Agustin, hindi pa kami nakaka-attend ng seminar..at higit sa lahat wala pa kaming ID pictures. (This time mas masakit ang ulo ni Ate Beth!)


Ay naku talaga.. bumili lang ako ng shoes the day fore the wedding at si mister ganun din. Yung gown ko pina-adjust ko pa at nakuha ko lang din the day before the wedding. Lahat may barong na yung asawa ko wala pa. Pag inisip ko natatawa talaga ako kasi para lang kaming naglalaro pero nakakapagod.

December 23. Eto na ang Big day…this is it!


Hindi na ko mapakali sa bahay lalo na ng biglang dumilim ang langit... oh noh lahat kami nananalangin na wag naman sana umulan. ITLOG! At bigla namin naalala mag-alay ng itlog.. Nung umulan nag-ring ang phone sa bahay.. si mister.. "ma! nag-alay k ba ng itlog?!" Halatang mas tesnse si mister kesa sakin dahil bumagsak na ang ulan hanggang hapon. Mabuti na lang bago ang oras ng kasal nakisama naman ang langit..medyo umambon bago magstart ng ceremony pero nawala din naman pagkatapos. Siguro blessing lang samin ang ulan sa araw ng aming kasal.



Kinakabahan ako pero alam ko mas kinakabahan ang asawa ko. Pagbaba ko ng kotse.. naiiyak ako pero umurong yung luha ko nung natatapakan ko na yung ilalim ng gown ko.. anytime feeling ko madadapa ako..syet wag sana kasi nakakahiya talaga.. sabi sakin slow down..dahan-dahan pero wala eh.. maton talaga ako..at aaminin ko na nahirapan ako sa gown ko kasi sobrang haba hindi ko na kc pinabawasan. Nung nakita ko na si mister sa kanya na lang ako tumingin... and lahat ng worries ko nawala. I feel like im the most beautiful bride dahil sa pinakamamahal kong asawa na nag-aantay sakin sa altar. Nakita ko yung ngiti niya.. parang nangaasar na nakakaloko na parang anytime hihimatayin sa nerbyos.


Comedy lang nung kiss the bride.. pumalakpak ang asawa ko.. parang first time lang makakakiss.. palakpakan daw kami pero sya ata ang unang pumalakpak.. bakit nga ba mahal?


At ang sumunod ay ang walang katapusang pag-click ng camera.



Reception.



Ang pinapangarap kong reception sa garden ay natupad.. at maganda talaga lahat sa paningin ko.. kung pwede lang magpicture kami sa bawat sulok dun gagawin ko na kahit wala nang program basta magpicture lang kami ni mister. Heheh. Salamat sa Lina Vitan.. job well done talaga.


Yun nga lang hindi talaga kami nakakain dahil maya't maya nagpipicture kami. Wala sana akong pakelam sa picture eh kasi gusto ko talagang kumain.. kaya lang ang asawa ko..pinagalitan ako dahil kain daw ako ng kain nakikita ako sa Video. Sus eh ano naman nagugutom ako! heheh hindi daw kasi ako nakikinig sa mga nagmemessage..



Salamat mahal sa isang napakaespesyal na araw na binigay mo sakin.. I am really proud that you are my husband and I am your wife. Thank you for making me feel so special... Hindi ako magsasawa kahit na ilang beses ako magsabi ng “I DO”.. basta ikaw ang pakakasalan ko ng paulit-ulit… thank you for loving me. Mahal na mahal ka ni misis..


Here's our pic on our civil (secret) wedding:


Friday, February 22, 2008

salamat sa pana mu pareng kupido!

Ito ang ang araw namin ni manong -- ang pinaka-aantay naming sandali! Matagal din namin 'tong pinaghandaan... actually, dumaan kami sa napakatagal na pag-iisip, pagpaplano at sa sobrang habang proseso upang maisakatuparan ang aming pangarap. Isang linggo... tama.. umabot din yun ng isang napakatagal na one week -- at tarraaannnn kasal na kami!

Hindi kami naglalaro lang.. hindi rin naman namin 'to idinaan sa toss coin, o kaya sa jack en poy.. mas lalong hindi kami nagjojoke. Parang hindi lang totoo... Parang natulog lang ako isang gabi, nanaginip at pagkagising ko asawa ko may asawa na pala ako.

Sa totoo lang 'pag binabalikan ko ang araw na yun napapngiti na lang ako.. hindi ko kasi maimagine na ang akala ko na isang ordinary day lang naman dapat ay magiging extra-ordinary at extra-special. Yun na ata ang pinakamagandang pagmulat ng mata ko sa umaga kahit na puyat ako sa excitement at kaba.

Yup.. kinakabahan talaga ako.

Langya, pa'no na lang kung hindi nya ko siputin?

Pano kung pagkagising nya bigla na lang sya nagbago ng isip at hindi na lang ako pakasalan?

Pa'no kung biro lang pala 'to lahat at pinasasakay lang ako?

Pano kung bigla na lang nya ko sabihan ng " sorry manang.. but the game is over?"

Pero imposible yun..i know mahal ako ni manong.. kaya nga nagawan nya ng paraan na maiposas ako sa loob lamang ng ilang oras na pag-iisip kung pano nya ko pakakasalan bago ako makasakay ng eroplano.

Since 10 am ang kasal namin maaga ako gumising para hindi naman ako malate. But since mabagal talga ako kumilos.. nalate pa rin ako at nakarinig ako ng galit na boses sa phone, "parang hindi ka excited na ikakasal tayo ah.."

Asus.. kung alam lang nya na hindi ako nakatulog at kinailangan ko pa uminom ng san mig light para lang antukin. (heheh hindi nya to alam..) At kung alam lang nya na gusto ko magsuot ng over gandang gown at magpaayos sa pinakamagaling na bading that day.. ganun ako kaexcited!

Pagdating sa aming tagpuan.. wala pa ang aking groom.. kinabahan na naman ako! Hindi kaya ako iinjanin nun?! Pero naisip ko na baka nahirapan sa kakaisip kung anong isusuot... baka mamaya nagbarong pa ang loko talbog ako kasi pang-mall lang ang outfit ko.

Oh well, parang pelikula.. slow motion na papalapit sa'kin ang isang pedicab at bumaba ang pinakagwapong ikakasal sa balat ng lupa. Hhhhmmm...mejo pormal. He was wearing polo na hindi nman nya sanay na suotin, jeans , at converse na chuck! Astig.. ang lufet!

Sa sobrang pagkamangha ko sa pagkapormal nya nawala ako sa sarili at nauntog pagsakay sa taxi. Kinabahan ako... baka maalog ang utak ko at bigla ko na lang maisip na magback-out. Pero hindi mangyayari yun.. hindi matatanggal ng isang malakas na pagkauntog ang pagmamahal ko kay manong. Maganda ata yung quality ng helmet na ginamit nya sakin eh.. peace mahal!

Ilang minuto bago ang kasal nag-away pa kami as in...nag-agawan kami ng cp, naggalitgalitan, hanggang sa di na kami nagpansinan. Akala ko nga ayawan na eh - yung tipong " bahala ka sa buhay mu pakasal ka sa lelang mung panot.."

Pero -this is it! Tunay na 'to..pagkadating ng magkakasal samin nakalimutan namin bigla na magkaaway pala kami. To the highest level na ang aming mga ngiti. Parang pelikula ulit.. natetense ako habang hawak ang kamay nya at isinusuot ang singsing sa kanyang daliri at sinasabing " manong, wear this ring as a sign of my luv and loyalty, in sickness and in health, for richer or for poorer... till death do us part... "

Ayokong umiyak.. pero deep inside naiiyak ako sa sobrang saya.

Ang saya.. kahit na hindi ako nakagown, hindi ako nakamake-up, kahit na wala akong flowers na hawak, kahit na walang ring bearer at flower girls, kahit na walang reception, kahit na walang bisita, kahit na isa lang ang ninang at walang ninong, kahit na walang honeymoon after, kahit na namasyal lang kami sa sm manila para magpapicture at manood ng sine, kahit na kami lang dalawa ang magkasama.. ibang klase ang saya.

And that special day, feb 06, 2008 - WAS THE FIRST DAY OF OUR "FOREVER".

--- salamat sa pana mo pareng kupido!