Showing posts with label Manong. Show all posts
Showing posts with label Manong. Show all posts

Thursday, January 22, 2009

excited!

tonight.. may kadate ako.

he's the sweetest guy on earth..

i still have one hour at uuwi na rin ako..

can't wait.. hhmm.. i'm so excited.

- i'm so lucky to have my manong!

pre-nup pics by japat







at eto ang aming pre-nup pics taken by JAPAT! :)

Friday, January 16, 2009

dec 23, 2008 "i do.. the second time around (our church wedding)

I do.." the second time around.


I remember when we had our civil (secret) wedding.. wala kaming bisita, no preparation, we only asked Ninang Lorna to be our ninang kasi wala kaming witness talaga. We were both wearin jeans..we had our reception at shakeys, sm manila.. kumain lang kami then nagpapicture at pagkatapos umuwi sa bahay.

But our church wedding was really the opposite. Sobrang hirap ng preparation dahil sobrang rush. Nakailang away-bati din kami in discussing our wedding details. Andaming bagay na hindi kami magkasundo.. akala ko nga hindi na matutuloy yung kasal eh. Hindi ko pa alam kung paano ko paiikliin ang dami ng bisita ko dahil sobrang laki talaga ng pamilya ko plus andami ko pang friends.. sumasakit talaga ang ulo ni mister.


Andami pa naming kulang na requirements sa simbahan at ilang araw na lang hindi pa kami nakukumpilan, hindi pa namin napapasa yung questionaire sa San Agustin, hindi pa kami nakaka-attend ng seminar..at higit sa lahat wala pa kaming ID pictures. (This time mas masakit ang ulo ni Ate Beth!)


Ay naku talaga.. bumili lang ako ng shoes the day fore the wedding at si mister ganun din. Yung gown ko pina-adjust ko pa at nakuha ko lang din the day before the wedding. Lahat may barong na yung asawa ko wala pa. Pag inisip ko natatawa talaga ako kasi para lang kaming naglalaro pero nakakapagod.

December 23. Eto na ang Big day…this is it!


Hindi na ko mapakali sa bahay lalo na ng biglang dumilim ang langit... oh noh lahat kami nananalangin na wag naman sana umulan. ITLOG! At bigla namin naalala mag-alay ng itlog.. Nung umulan nag-ring ang phone sa bahay.. si mister.. "ma! nag-alay k ba ng itlog?!" Halatang mas tesnse si mister kesa sakin dahil bumagsak na ang ulan hanggang hapon. Mabuti na lang bago ang oras ng kasal nakisama naman ang langit..medyo umambon bago magstart ng ceremony pero nawala din naman pagkatapos. Siguro blessing lang samin ang ulan sa araw ng aming kasal.



Kinakabahan ako pero alam ko mas kinakabahan ang asawa ko. Pagbaba ko ng kotse.. naiiyak ako pero umurong yung luha ko nung natatapakan ko na yung ilalim ng gown ko.. anytime feeling ko madadapa ako..syet wag sana kasi nakakahiya talaga.. sabi sakin slow down..dahan-dahan pero wala eh.. maton talaga ako..at aaminin ko na nahirapan ako sa gown ko kasi sobrang haba hindi ko na kc pinabawasan. Nung nakita ko na si mister sa kanya na lang ako tumingin... and lahat ng worries ko nawala. I feel like im the most beautiful bride dahil sa pinakamamahal kong asawa na nag-aantay sakin sa altar. Nakita ko yung ngiti niya.. parang nangaasar na nakakaloko na parang anytime hihimatayin sa nerbyos.


Comedy lang nung kiss the bride.. pumalakpak ang asawa ko.. parang first time lang makakakiss.. palakpakan daw kami pero sya ata ang unang pumalakpak.. bakit nga ba mahal?


At ang sumunod ay ang walang katapusang pag-click ng camera.



Reception.



Ang pinapangarap kong reception sa garden ay natupad.. at maganda talaga lahat sa paningin ko.. kung pwede lang magpicture kami sa bawat sulok dun gagawin ko na kahit wala nang program basta magpicture lang kami ni mister. Heheh. Salamat sa Lina Vitan.. job well done talaga.


Yun nga lang hindi talaga kami nakakain dahil maya't maya nagpipicture kami. Wala sana akong pakelam sa picture eh kasi gusto ko talagang kumain.. kaya lang ang asawa ko..pinagalitan ako dahil kain daw ako ng kain nakikita ako sa Video. Sus eh ano naman nagugutom ako! heheh hindi daw kasi ako nakikinig sa mga nagmemessage..



Salamat mahal sa isang napakaespesyal na araw na binigay mo sakin.. I am really proud that you are my husband and I am your wife. Thank you for making me feel so special... Hindi ako magsasawa kahit na ilang beses ako magsabi ng “I DO”.. basta ikaw ang pakakasalan ko ng paulit-ulit… thank you for loving me. Mahal na mahal ka ni misis..


Here's our pic on our civil (secret) wedding:


Friday, December 5, 2008

Sunday, September 21, 2008

MISIS : Photos by mister

after food tripping punta naman sa park para magkwentuhan maglakadlakad.. at magpicture! ;p











learning new things

yesterday, tinuruan ako ni hubby magphotoshop. ahai.. im willing to learn! hahah..

sabi k obalang araw mas gagaling pa ko kesa kay manong.

antay ka lang.. ;p

wanna learn to use that wacom tablet also.. ;p

it's good to learn new things!

hhaha artist na ko! ;p (patawa!)

Thursday, September 18, 2008

viewing accounts

kwentuhan pag-uwi sa bahay.

manong: mahal.. lamu ba may coomon friend kami ni *&*@@+?

manang: saan? sa friendster?

manong: hindi sa multiply...

manang: ngerks.. haha ngayon mu lang nalaman? c gracey nga diba sabi ko sayo bago mu i-add friend sila.

manong: hindi nman sya.. yung team wacom.

manang: ahhh.. pano mu nalaman?

manong: nakita ko sa contacts.. pagkakita ko ng picture nya sabi ko parang kilala ko to.. sya pala yun. ayun.. nagkamali ako eh.. napindot ko!

manang: hala ka.. naview mu yung account nya?

manong: hehhe nung nagloload na nacancel ko kagad! pero for sure lalabas dun naview ko sya..

manang: hahha parang ako pala the other day.. nagkamali ako ng click. yung link nya naclick ko. .di ko nman sadya :(

manong : yaan mu na..

....

ayun.. at pagkatapos nun wrestling na kagad! ahhaah syet may nahuli na namang bagong pang-atake! kainis!

hubby meets JAPAT!

got a txt from hubby:

"Nandito si Japat!!! magiging ofism8 ko sya"

syempre na-shocked ako - parang kagabi lang natuwa ako dahil nagcomment sya sa post ko and then now nagmeet na sila ng idol ko! ;p

hindi ako nakatiis, tinawagan ko sya kagad:

"manong.. sabihin mo sa kanya idol ko sya.. "

hahha parang bata lang.

yun lang! ;p

Wednesday, September 17, 2008

not feelin good

sinisipon..

inuubo..

masama ang pakiramdam ko.

--- mabuti na lang may taong nangako na pasasayahin daw ako later.

hhhmmm.. sweet talga ni manong!

Tuesday, September 16, 2008

buhay teleserye

parang teleserye lang..

ang tadhana pinaglalaruan ang buhay nyo.

habang pilit ka'ng tumatakbo..

habang pilit ka'ng lumalayo..

habang pilit mo'ng ipinipikit ang mga mata mo..

sa bandang huli magtatagpo pa rin kayo.

kahit na pagod ka na..

pagod na pagod..

yes.. the world is too crowded

magkakasalubong pa rin ang nasa pagitan ng 4 na oras at milya milyang layo.

pero siguro ganun nga talaga..

maliit ang mundo.

you just have to be ready sa kung ano man ang pwede mong makita o makasalubong o makausap..

ang nakaraan ay pwede mong makita sa iyong harapan.

at hindi mo pwedeng pakiusapan na - "fate.. i'm tired.. stop playin pls.. wag na lang ako.."

haayy..mabuti na lang at wala akong ghost in the past at di katulad ng mga kaibigan ko sa mga teleserye na sina judai, caludine, angel, anne at bea. heheh

ok lang sa'kin kahit na sino pa sa nakaraan ang makasalamuha ko.. - ganun talaga eh.. hindi mu yun maiiwasan at mas lalong hindi mu yun mabubura o matatakbuhan..

u just have to be strong and ready sa mga pwedeng bumulaga sayo.. pero kung ang nakaraan sayo ay tapos na at natanggap mo na.. papanisin mu na to..

sasalubungin mo na lang ng matamis na ngiti ang nakaraan na nasa harapan mo. ;p

ang buhay ay parang teleserye lang...

mas malala kung magiging fantaserye diba?

matakot ka na pag sina dugong ang humahabol sayo.. hehhe ulit!

- inaatake lang ng gutom at inip ;)

Thursday, December 27, 2007

Si Manong at si Manang

Si Manong at si Manang

Nakakatuwang isipin na nagkatagpo si manong at si Manang sa mga panahong hindi nila parehong inaasahan… PARAMIS!

Sino si manong at si manang?

Si manang ay si “ako”.

At si Manong ang pinakamamahal kong manong ng buhay ko!

Sa hindi ko talaga malamang dahilan, bigla na lang kaming na-in love na para bang kami lang ang lovers sa mundo.

Funny.. weird.. parang hindi totoo…

Ewan ko ba, everytime sinusubukan kong baliktarin ang utak ko.. hindi ko pa rin masagot lahat ng tanong na itinatanong ko sa sarili ko.

Mahal ko ba talaga sya all this time?

Pagkagising ko sa umaga, boses nya gusto ko marinig.

Pagdating sa office boses pa rin nya gusto ko marinig.

Pag-uwi sa bahay boses pa rin nya gusto ko marinig.

Bago matulog boses pa rin nya gusto ko marining.

Kung minsan hindi ako makatulog.. inaabangan ko ang oras ng paggising nya! Meaning gising ako sa buong magdamag marinig ko lang boses nya bago ako makahimbing sa pagtulog. Kung hindi nman nakaset na alarm ng mobile ko kung what time sya nagigising sa umaga..at tatawagan ko sya. Kahit na puyat at least masaya akong matutulog!

Ang kinalabasan?

Nagmimistula akong panda sa office - sa lake ng eyebags ko!

Kaloka no?! kung ilang beses ako magload sa isang araw hindi ko na alam. Minsan nasisita ako ng mga senior citizen na nakapaligid sa kin sa sobrang paggastos ko sa load. Kaya lang, wala eh.. dun ako masaya – ang makausap sya!

Masisisi ba nila ako? Nagmamahal lang po ako!

Siguro ganito talaga pag mahal mo talaga ang isang tao.. Parang newbie ako ngayun sa usapang puso.. totoong love na kasi to.

Parang kelan lang.. dahil sa mga masalimuot at nakakalokang love life lague ko sinasabi sa sarili ko , “ God might be busy writing the best love story for me..”, ngayun I know ‘eto na yun.. Sinimulan na nya isulat ang totoong love story ng buhay ko.

Naniniwala rin naman ako sa fairy tales, sa prince charming at sa happy ending..

Kung hanggang kelan ako masaya?

Hindi ko alam.

Basta ang alam ko – masaya ako at nagmamahal ako ng totoo.

Si Manong ang buhay ko.