Friday, January 16, 2009

dec 23, 2008 "i do.. the second time around (our church wedding)

I do.." the second time around.


I remember when we had our civil (secret) wedding.. wala kaming bisita, no preparation, we only asked Ninang Lorna to be our ninang kasi wala kaming witness talaga. We were both wearin jeans..we had our reception at shakeys, sm manila.. kumain lang kami then nagpapicture at pagkatapos umuwi sa bahay.

But our church wedding was really the opposite. Sobrang hirap ng preparation dahil sobrang rush. Nakailang away-bati din kami in discussing our wedding details. Andaming bagay na hindi kami magkasundo.. akala ko nga hindi na matutuloy yung kasal eh. Hindi ko pa alam kung paano ko paiikliin ang dami ng bisita ko dahil sobrang laki talaga ng pamilya ko plus andami ko pang friends.. sumasakit talaga ang ulo ni mister.


Andami pa naming kulang na requirements sa simbahan at ilang araw na lang hindi pa kami nakukumpilan, hindi pa namin napapasa yung questionaire sa San Agustin, hindi pa kami nakaka-attend ng seminar..at higit sa lahat wala pa kaming ID pictures. (This time mas masakit ang ulo ni Ate Beth!)


Ay naku talaga.. bumili lang ako ng shoes the day fore the wedding at si mister ganun din. Yung gown ko pina-adjust ko pa at nakuha ko lang din the day before the wedding. Lahat may barong na yung asawa ko wala pa. Pag inisip ko natatawa talaga ako kasi para lang kaming naglalaro pero nakakapagod.

December 23. Eto na ang Big day…this is it!


Hindi na ko mapakali sa bahay lalo na ng biglang dumilim ang langit... oh noh lahat kami nananalangin na wag naman sana umulan. ITLOG! At bigla namin naalala mag-alay ng itlog.. Nung umulan nag-ring ang phone sa bahay.. si mister.. "ma! nag-alay k ba ng itlog?!" Halatang mas tesnse si mister kesa sakin dahil bumagsak na ang ulan hanggang hapon. Mabuti na lang bago ang oras ng kasal nakisama naman ang langit..medyo umambon bago magstart ng ceremony pero nawala din naman pagkatapos. Siguro blessing lang samin ang ulan sa araw ng aming kasal.



Kinakabahan ako pero alam ko mas kinakabahan ang asawa ko. Pagbaba ko ng kotse.. naiiyak ako pero umurong yung luha ko nung natatapakan ko na yung ilalim ng gown ko.. anytime feeling ko madadapa ako..syet wag sana kasi nakakahiya talaga.. sabi sakin slow down..dahan-dahan pero wala eh.. maton talaga ako..at aaminin ko na nahirapan ako sa gown ko kasi sobrang haba hindi ko na kc pinabawasan. Nung nakita ko na si mister sa kanya na lang ako tumingin... and lahat ng worries ko nawala. I feel like im the most beautiful bride dahil sa pinakamamahal kong asawa na nag-aantay sakin sa altar. Nakita ko yung ngiti niya.. parang nangaasar na nakakaloko na parang anytime hihimatayin sa nerbyos.


Comedy lang nung kiss the bride.. pumalakpak ang asawa ko.. parang first time lang makakakiss.. palakpakan daw kami pero sya ata ang unang pumalakpak.. bakit nga ba mahal?


At ang sumunod ay ang walang katapusang pag-click ng camera.



Reception.



Ang pinapangarap kong reception sa garden ay natupad.. at maganda talaga lahat sa paningin ko.. kung pwede lang magpicture kami sa bawat sulok dun gagawin ko na kahit wala nang program basta magpicture lang kami ni mister. Heheh. Salamat sa Lina Vitan.. job well done talaga.


Yun nga lang hindi talaga kami nakakain dahil maya't maya nagpipicture kami. Wala sana akong pakelam sa picture eh kasi gusto ko talagang kumain.. kaya lang ang asawa ko..pinagalitan ako dahil kain daw ako ng kain nakikita ako sa Video. Sus eh ano naman nagugutom ako! heheh hindi daw kasi ako nakikinig sa mga nagmemessage..



Salamat mahal sa isang napakaespesyal na araw na binigay mo sakin.. I am really proud that you are my husband and I am your wife. Thank you for making me feel so special... Hindi ako magsasawa kahit na ilang beses ako magsabi ng “I DO”.. basta ikaw ang pakakasalan ko ng paulit-ulit… thank you for loving me. Mahal na mahal ka ni misis..


Here's our pic on our civil (secret) wedding:


No comments: