Friday, January 23, 2009

babae na ko sa 2009! :)



"magpapakababae na ako sa taong 2009!"
at syempre nung marinig yan ng magaling kong asawa eh tinawanan lang ako... at katakot takot na pang-aasar lang ang narinig ko.

"magmumukha ka lang bading.." - oh diba napakasupportive ni habibi!

minsan naisip ko nga bakit ba hindi ako lumaking babae. siguro kasi nasanay ako na mga lalake ang kasama ko. hindi ako lumalabas ng naka-skirt.. jeans at shirt ang lague kong suot. hate ko rin ang uniform ko sa PLM na pencil cut ang style ng palda.. at kahit na ganun ang suot ko nakikipagunahan ako sa pagsakay ng jeep pabyaheng divisioria - at ilang beses na rin ako nawarakan ng palda. nung nagwowork na ko nagsimula na ko magsuot ng mejo pambabae na blouse pero parang lalake pa rin ako. hahha ewan.. hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi ko talaga trip ang mga pa-gurl na gamit.

hindi rin ako sanay magsuot ng shoes na may heels. actually, hindi talaga ako mahilig sa mga sapatos at damit.. hindi ako yung tipong lague bumibili dahil hindi ako nasanay na may bagong damit nung bata ako. hindi ko nakasanayan na makisabay sa uso.. hanggat meron akong nagagamit na sapatos at damit hindi ko maaalalang bumili.

hindi rin ako marunong mag-ayos ng sarili. hindi ako marunong magmake-up. ang alam ko lang gamitin sa work ay powder at lipstick. wala rin akong kikay kit kahit na nung dalaga pa ko. may pagkatamad din kc ako mag-ayos. heheh

makapal din ang kilay ko dahil hindi ako marunong magbunot at mag-ahit ng kilay. nakakatawa kasi bago kami ikasal ay nagpa-ayos ako ng kilay at nakita ako ng asawa ko na umiiyak. syet naman talaga ang sakit pala magpathreading ng kilay! iyak to the max talaga ako.. si mister walang magawa kundi tignan ako na umiiyak.. hahha pinagtattawanan nila ako lahat pero siya pinapatigil na si ate.

hindi rin ako laman ng parlor... actually, sa taong 2008 isang beses lang ako nagpagupit ng hair and that was january pa. ang mga kuko ko sa paa at kamay ay nail cutter lang ang nararanasan. sobrang kong pinupudpod ang mga kuko ko kc di ako sanay magpahaba at may nail polish. kung minsan nagpapalinis ako sa kuko ko sa paa pero sobrang once in a blue moon lang.. eewww ba? hhehe hindi nman kadiri kc ginugupitan ko nman palague yun nga lang wala lang mga kung anu anong kulay.

tamad din ako maglagay ng lotion sa katawan. bumibili ako pero lague ko naman di ginagamit. tamad din ako maglagay ng kung anu-ano sa mukha.. kelan lang bumili ako ng halos isang set ng olay pero di ko rin naman nagamit.. pero kung sisipagin na ko gagamitin ko na..paramis.

nung minsan nga na bumibili kami ng slippers ni mister nagcomment ang salesman na indian kay mister.. ano daw bang problema sakin at ayoko ng mga inaabot nya na pang-babae..ang pinipili ko daw puro style panlalake.. " natawa na lang ang asawa ko at sinagot nya na ganun talaga ako dahil mas trip ko ang mga panlalake.

so ngayung 2009.. sinabi ko sa sarili ko na susubukan ko na maging babae. goodluck na lang sakin kung kakayanin!

- above all... kahit di na ko maging babaeng babae.. kahit na maton na ko forever.. pero sana this year.. maging isang ina na ko.. at yun lang ang mahalaga sa akin. :)

No comments: