Friday, January 30, 2009
yosi kadiri no more
hithit buga.
yes. i must admit.. minsan din akong nahumaling sa paninigarilyo. yosi dito.. yosi don.. wag lang sa harapan ng nanay ko. i remember the first time i tried to smoke.. sobrang trying hard ata ako nun na kahit na nahihilo na at nauubo sige lang ng sige.. marlboro lights ang brand na ginagamit ko. masarap kasi na kapartner sa pagtambay nun sa creek (malapit sa plm) ang yosi, partner sa candy after ng lunch, partner sa puyatan, sa paggawa nun ng project / thesis, pagrereview, gimikan, kwentuhan, sa alak, sa homesick at sa broken heart. But i'm not the type na bumibili ng isang pack.. siguro hindi pa din ako macoconsider na malakas magyosi kasi hindi naman hinahanap ng sistema ko ang paninigarilyo pag wala talagang yosi sa harapan ko. sa inuman lang talaga gusto ko na may hawak na sigarilyo.
until i met my husband. he warned me na mag-aaway talaga kami pag nakita nya ko magyosi. before pag wala sya lumulusot ako.. pasimple at patago. minsan nagpapalusot ako.. nagtatanggal lang ako ng stress sa work kaya ako nagyoyosi.
pero ngayon napansin ko.. medyo matagal na rin pala akong hindi humahawak ng yosi. the other day, after ng isang sobrang masarap na lunch bigla ko nafeel na gusto ko manigarilyo.. sabi ng utak ko.. bumili ako ng yosi. talaga naman, may tumutukso na naman sakin.. when i went to the store and was about to buy one.. bigla ko naisip na hindi ko nman pala kelangan magyosi. in short napaglabanan ko ang urge ko na manigarilyo.
wala naman talagang magandang dulot na mabuti sa katawan ng tao ang paninigarilyo. sana lang mapangatawanan ko na tong pagbabago na to.. not for my husband na magagalit sakin pag ngyosi ako.. hindi ako magbabago para sa ibang tao.. dahil for sure hindi ko yun completely magagawa.. kaya magbabago ako para sa sarili ko.
wish me luck!
pero aaminin ko minsan talaga aaminin ko may bumubulong sakin na gusto ko daw ng yosi.. aargh..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment