Showing posts with label pag-ibig. Show all posts
Showing posts with label pag-ibig. Show all posts

Wednesday, February 4, 2009

galaxies, unscathed



“and when we touch we’re not really touching. if our atoms did not repel one another we’d pass through each other like galaxies, unscathed.”

- I was walking around Berlin today and came across this piece of graffiti. It reads: “and when we touch we’re not really touching. if our atoms did not repel one another we’d pass through each other like galaxies, unscathed.” It’s a striking thought and I found myself thinking about the nature of love and connection for the rest of the day. How is it that we ever find anyone to fall in love with? Or they are able to find us? Does fate intervene ever?


lovely, right? a very nice quote to end my end. :)


sitehttp://colonycollapse.wordpress.com/2008/11/25/like-galaxies-unscathed/http://www.deathcabforcutie.com/blogs/posts/57/like_galaxies,_unscathed%E2%80%A6/

Monday, January 26, 2009

yes..i sent you flowers!

Babae ako.. but I love giving flowers.. ang weird nun pero totoo. Well I guess that’s one the masculine side of me. Of course I would be very happy to receive flowers din naman.. as in sobrang haba ng ngiti ko nun for sure. But the feeling of giving flowers? Believe me..iba talaga.. lalo pag nalaman mo na sobrang happy yung binigyan mo.

Yung hubby ko ilang beses ko na binigyan ng Flowers.. sumusuko na nga kasi nahihiya na daw sya. Hehehe. Nakakatwa lang din yung experienced ko.. the first time.. pinagawa ko pa yun sa dangwa coz I wanted to choose which flowers and kung anong gagamitin na materials. They couldn’t believe it when I told them it’s for my bf kaya dapat nilang gandahan. The second time.. bumili lang ako sa Dangwa to surprised him again but this time ako na mismo ang naghatid sa office nya.. so I’m the sender and the delivery girl wrapped all in one. I’ve heard the same line again from the taxi driver.. “ ang swerte naman ng bf mo”., and lague ko sinasabi.. mas swerte ako sa kanya. Kung anu-ano din yung narinig ko sa security guards sa building nila hanggang sa elevator.. I remember sabi nung isang lalake.. “siguro ang gwapo nung lalake na yun.. sya pa hinahatiran ng flowers..” Actually, I just want to invite him to have a lunchdate that day.. and this was the note on the card “ will u be my luch date?” ang sweet ko diba? hhehe Third was on our 7th monthsary, nagsend ako ng flowers and cake sa office nila dito na sa Dubai.. and as usual nahihiya talaga sya.

I remember how my lola cried nung ngsend din kami ni hubby sa kanya ng flowers for her birthday.. may sakit pa sya nun and can’t even talk. Nikwento lang yun samin ng mga tita and tito naming nung nandun.. nagiiyakan daw silang lahat. =)

Few months back I sent pink flowers to a friend.. well I guess nasiyahan nman sya.. it was nice to know na may napapasaya kang tao just because of giving them nice flowers.
Yung pinaka last na flowers na nisend ko was for someone na hindi ko kaano-ano..may mahabang kwento.. marami rin yung message ma gustong iparating... she’s not a friend or a foe. I don’t even know why I sent her flowers.. I was once so mad at her.. but It was something Im grateful to do. Masaya ako sa ginawa ko.. I have no idea if she liked the flowers.. pero hindi ko na yun iniisip.. ang mahalaga I tried to make her feel better that day.

I remember when hubby surprised me with 3 pink roses.. no occasion.. gusto lang nya ko bigyan… hhayyzz ang sarap talaga pag binibigyan ng flowers.. lalo na nga mahal mo na mahal na mahal ka rin.. lubshu mahal.

May mga kwentong malungkot behind those flowers .. mga kwentong tapos na at pag-naaalala nakakapagpalungkot lang sakin. I even cry at times..
Pero ang tapos na ay nangyari na.. and as I move forward.. iniiwanan ko na ang mga kwentong yun at inaalala ko na lang yung masasayang nangyari nung nagbigay ako ng bulaklak ng buong puso.

Well I guess that's the most important part ....i sencerely gave flowers.. at sinasama ko ang puso ko sa bawat bulaklak na ibinibigay ko.

- i remember somebody posted "the truth behind the roses she got from a guy", i know to hurt me in a way.. and yes i was hurt knowing what really happened with those roses. But i don't think it will stop me to give flowers... and to stop me loving that person.. will never happened. :)

Thursday, January 22, 2009

excited!

tonight.. may kadate ako.

he's the sweetest guy on earth..

i still have one hour at uuwi na rin ako..

can't wait.. hhmm.. i'm so excited.

- i'm so lucky to have my manong!

pre-nup pics by japat







at eto ang aming pre-nup pics taken by JAPAT! :)

Friday, January 16, 2009

dec 23, 2008 "i do.. the second time around (our church wedding)

I do.." the second time around.


I remember when we had our civil (secret) wedding.. wala kaming bisita, no preparation, we only asked Ninang Lorna to be our ninang kasi wala kaming witness talaga. We were both wearin jeans..we had our reception at shakeys, sm manila.. kumain lang kami then nagpapicture at pagkatapos umuwi sa bahay.

But our church wedding was really the opposite. Sobrang hirap ng preparation dahil sobrang rush. Nakailang away-bati din kami in discussing our wedding details. Andaming bagay na hindi kami magkasundo.. akala ko nga hindi na matutuloy yung kasal eh. Hindi ko pa alam kung paano ko paiikliin ang dami ng bisita ko dahil sobrang laki talaga ng pamilya ko plus andami ko pang friends.. sumasakit talaga ang ulo ni mister.


Andami pa naming kulang na requirements sa simbahan at ilang araw na lang hindi pa kami nakukumpilan, hindi pa namin napapasa yung questionaire sa San Agustin, hindi pa kami nakaka-attend ng seminar..at higit sa lahat wala pa kaming ID pictures. (This time mas masakit ang ulo ni Ate Beth!)


Ay naku talaga.. bumili lang ako ng shoes the day fore the wedding at si mister ganun din. Yung gown ko pina-adjust ko pa at nakuha ko lang din the day before the wedding. Lahat may barong na yung asawa ko wala pa. Pag inisip ko natatawa talaga ako kasi para lang kaming naglalaro pero nakakapagod.

December 23. Eto na ang Big day…this is it!


Hindi na ko mapakali sa bahay lalo na ng biglang dumilim ang langit... oh noh lahat kami nananalangin na wag naman sana umulan. ITLOG! At bigla namin naalala mag-alay ng itlog.. Nung umulan nag-ring ang phone sa bahay.. si mister.. "ma! nag-alay k ba ng itlog?!" Halatang mas tesnse si mister kesa sakin dahil bumagsak na ang ulan hanggang hapon. Mabuti na lang bago ang oras ng kasal nakisama naman ang langit..medyo umambon bago magstart ng ceremony pero nawala din naman pagkatapos. Siguro blessing lang samin ang ulan sa araw ng aming kasal.



Kinakabahan ako pero alam ko mas kinakabahan ang asawa ko. Pagbaba ko ng kotse.. naiiyak ako pero umurong yung luha ko nung natatapakan ko na yung ilalim ng gown ko.. anytime feeling ko madadapa ako..syet wag sana kasi nakakahiya talaga.. sabi sakin slow down..dahan-dahan pero wala eh.. maton talaga ako..at aaminin ko na nahirapan ako sa gown ko kasi sobrang haba hindi ko na kc pinabawasan. Nung nakita ko na si mister sa kanya na lang ako tumingin... and lahat ng worries ko nawala. I feel like im the most beautiful bride dahil sa pinakamamahal kong asawa na nag-aantay sakin sa altar. Nakita ko yung ngiti niya.. parang nangaasar na nakakaloko na parang anytime hihimatayin sa nerbyos.


Comedy lang nung kiss the bride.. pumalakpak ang asawa ko.. parang first time lang makakakiss.. palakpakan daw kami pero sya ata ang unang pumalakpak.. bakit nga ba mahal?


At ang sumunod ay ang walang katapusang pag-click ng camera.



Reception.



Ang pinapangarap kong reception sa garden ay natupad.. at maganda talaga lahat sa paningin ko.. kung pwede lang magpicture kami sa bawat sulok dun gagawin ko na kahit wala nang program basta magpicture lang kami ni mister. Heheh. Salamat sa Lina Vitan.. job well done talaga.


Yun nga lang hindi talaga kami nakakain dahil maya't maya nagpipicture kami. Wala sana akong pakelam sa picture eh kasi gusto ko talagang kumain.. kaya lang ang asawa ko..pinagalitan ako dahil kain daw ako ng kain nakikita ako sa Video. Sus eh ano naman nagugutom ako! heheh hindi daw kasi ako nakikinig sa mga nagmemessage..



Salamat mahal sa isang napakaespesyal na araw na binigay mo sakin.. I am really proud that you are my husband and I am your wife. Thank you for making me feel so special... Hindi ako magsasawa kahit na ilang beses ako magsabi ng “I DO”.. basta ikaw ang pakakasalan ko ng paulit-ulit… thank you for loving me. Mahal na mahal ka ni misis..


Here's our pic on our civil (secret) wedding:


Friday, December 5, 2008

Thursday, November 20, 2008

we talked about "us" and "her"

We love to talk… we can talk about anything under the sun. from kulitan mode to serious mode to emo mode. We really talk about us most of the time. One thing about our relationship na hindi mawawala ay ang communication. Mas gusto namin ang mag-usap kesa magsigawan at magaway.. So far so good kami pagdating dyan.. pinaguusapan namin ang mga bagay bagay o kung anu ano lang… kahit ang problema.. kahit ang isang masakit na nakaraan.. ang kasalanan nya..kasalanan ko.. ang mga naramdaman ko in the past.. lahat yun napag-uusapan namin ng usap lang. And last night after watchin Narnia, we went to bed and talk about “us” like what we always do.

Kwentuhan lang bago matulog.. then he started to tell me sweet things.. mga bagay na palagi nya sinasabi sakin.

“ang swerte ko sayo mahal”
“kalokohan ang iwan ka..”
“hindi ko kakayaning matulog dito ng wala ka at di ka na katabi”
“wala na ko makikita pa na katulad mo..”
“sobra mo ko asikasuhin..”
“mahal na mahal kita..”
“mawala na sakin ang lahat wag lang ikaw..”

He was looking at me.. and I felt his sincerity. Tuwing sasabihan nya ko ng mga ganun lague ako naiiyak kasi pakiramdam ko tumatagos lahat ng salita nya hanggang sa loob ng katawan ko.

Then parang nagrewind lahat.. I end up asking him one question..

“bakit mo ko sinaktan?”

Then we talked about “us” again and dyena.. He started to tell me things na narinig ko na. Minsan ganun lang.. binabalikan lang namin para maubos na lahat. We were embracing each other and crying..trying to burst out everything.

“alam ko kasalanan ko lahat..nasaktan kita noon pero pinagsisisihan ko na ngayon.”
“alam mo mahal..yung nangyari sa ating tatlo ni dyena.. ako ang may kasalanan.. ako yun.”

Then I replied.. “alam ko”

“hindi ko talaga alam kung pano ko nagawa at nasabi yung mga bagay na yun sa knya.. alam ko sa sarili ko na hindi kita kayang iwan at ayoko na talga sa knya. Nakain lang talga ako ng awa.. yung kalbaryo na naranasan at nararanasan nya kasi dahil yun sa kin. Nangako ako sa kanya dati na hindi ko sya iiwan.. pero alam nman nya yun eh na npabayaan din naman nya ko.. na may kasalanan din nman sya sa mga nangyari samin. Ang nasa isip ko nun alam ko nman na bibitawan din nya ko… alam ko isang araw bibitaw din sya. Gusto ko lang sya pasayahin tapos aantayin ko na lang na bibitawan nya ko”

“marami kami pinagdaanan nun.. sobrang dami.. pero tapos na yun..”

Then like what I always do.. pag nagsasalita na sya at naglalabas ng nararamdaman nya.. nakikinig lang ako.. I’ll just hold him tight.. kahit na ano pa yung sinasabi nya.. pinaparamdam ko lague sa kanya na nakiknig lang ako sa mga sasabihin nya..

I asked him.. “gusto mo ba sya kitain pag umuwi tayo? Yung totoo?”

Then he said.. “ang totoo? Hindi ko alam.” “ Parang gusto ko sya kitain pero kasama kita.. gusto kita ipakilala sa knya.. gusto ko rin magsorry sa kanya..”

I said ok lang sakin na magmeet kayo paguwi natin as long as alam ko.. I touched his face and told him “mas masaya ang mundo kung walang kaaway na tao. Dapat ka talgang magsorry.. pwede mo nman ayusin yung sa inyong dalawa, diba? Mas maganda yung ganun lalo na mahaba din nman ang pinagsamahan nyo. Makipag-ayos ka sa knya para mawala na yung mga bitterness at kung ano pa..kung ano man ang naramdaman nya at nararamdaman pa nya alam mo na kasalanan mo yun..”

I don’t know. Siguro kung may mga makakarinig lang ng sinasabi ko sasabihin praning ako. Na dapat nga pinagbabawalan ko pa sya na kitain yun.. am I pushing them to be back together? Hell no.. I just want them to settle everything…ayokong maging magkaaway silang dalawa. They don’t need to be back as close friends.. pero at least hindi nman magkaaway. Just like what I told her… ayoko rin na maging kaaway ko sya..

Hindi ko alam ang mga pwedeng mangyari pag-uwi namin…I hope God will guide the three of us.. kung ano ang mas makakabuti sana yun ang mangyari. Kung gusto nya na magkita kita kaming tatlo.. ok lang din. I am ready for that.. but kung makakagulo lang kami kay Dyena.. or simply hndi makakabuti pa for now sa kanya.. ok lang din..

Kung magkakasalubong.. why not. I can always smile at her.. :)

Thursday, October 9, 2008

tryin to be ok is like killin myself

im ok. yes im tryin to feel better everyday. bad trip lang dahil ang utak ko minsan ayaw tumigil.. ang dibdib ko minsan ayaw huminto.. naninikip n lang bigla everytime nagrerewind sa utak ko lahat. minsan sinasadya ko talagang patayin ang sarili ko sa pagbabasa ng mga bagay na unti unting pumapatay sakin.



i feel like dying with every word na binabasa ko. . .

minsan napapaisip ko.. pag sobrang luv ang ibinigay mu sa isang tao.. bakit ka nya susuklian ng sakit?

ba't hindi na lang pagmamahal din?

syet minsan ang luv.. :(

Sunday, September 21, 2008

MISIS : Photos by mister

after food tripping punta naman sa park para magkwentuhan maglakadlakad.. at magpicture! ;p











Thursday, September 18, 2008

viewing accounts

kwentuhan pag-uwi sa bahay.

manong: mahal.. lamu ba may coomon friend kami ni *&*@@+?

manang: saan? sa friendster?

manong: hindi sa multiply...

manang: ngerks.. haha ngayon mu lang nalaman? c gracey nga diba sabi ko sayo bago mu i-add friend sila.

manong: hindi nman sya.. yung team wacom.

manang: ahhh.. pano mu nalaman?

manong: nakita ko sa contacts.. pagkakita ko ng picture nya sabi ko parang kilala ko to.. sya pala yun. ayun.. nagkamali ako eh.. napindot ko!

manang: hala ka.. naview mu yung account nya?

manong: hehhe nung nagloload na nacancel ko kagad! pero for sure lalabas dun naview ko sya..

manang: hahha parang ako pala the other day.. nagkamali ako ng click. yung link nya naclick ko. .di ko nman sadya :(

manong : yaan mu na..

....

ayun.. at pagkatapos nun wrestling na kagad! ahhaah syet may nahuli na namang bagong pang-atake! kainis!

Wednesday, September 17, 2008

not feelin good

sinisipon..

inuubo..

masama ang pakiramdam ko.

--- mabuti na lang may taong nangako na pasasayahin daw ako later.

hhhmmm.. sweet talga ni manong!

Sunday, September 7, 2008

FUBU?



Kim (my officemate) and I were talking about pinas, love, married life, having a baby, work, husbands.. etc.. Hanggang sa napunta ang usapan namin sa FUBU..ano daw yun?!

Tumanda ako na hindi ko alam ang FUBU? ahai.. nakakaawang bata.. tsktsktsk. ang alam ko brand to ng mga tshirts na sinusuot ng mga hip-hop samin. heheh yun lang at wala ng iba pa. Pagnaiisip ko yun naaawa ako sa sarili ko.. ba't kulang na kulang ang vocabulary ko..?! (pataymalisya)

So what is FubU? haha yun pala yun!

Nung feb narinig ko to sa isang tao... he's telling me that someone is proposing na maging magFUBU partners na lang sila - at least kahit FUBU partners na lang.

Naisip ko lang kung gaano talaga kalakas ang pag-ibig. iba't ibang sitwasyon.. iba't ibang level ng saya, lungkot at sakit.. Love can really push you to do things na kahit ikaw hindi mu na kayang i-explain. Yung tipong you'll do everything just to be with someone you love the most... Kahit na hindi na sya mahalin basta hayaan lang na mahalin sya ng taong mahal nya. Sa mga taong nagmamahal ng sobra - minsan ang mga bagay na mali ay nagiging tama. Dun ka kasi nagiging masaya.

Masaya magmahal.

Masarap magmahal.

Masakit magmahal.

Masakit magmahal ng taong hindi ka nman mahal.

Masakit magmahal ng taong hindi ka na mahal.

at masakit magmahal ng taong dati kang minahal. :(

Mabuti na lang ang taong mahal ko.. alam ko na mahal na mahal din ako.

Tuesday, August 26, 2008

lover or the love?

one good old friend asked me yesterday :

"should i blame love for feelin this way..
or should i blame the person for makin me feel this way.. "

im not sure why he asked such question..sabi nya gusto nya lang malaman kung anong isasagot ko.

then i said blame the person and not the love.. just like what this love song says:

it's the lover not the love who broke your heart last night.. right?

- parang sinabi ko na rin na "u should blame me kung nasaktan kita before.."