Thursday, November 20, 2008

we talked about "us" and "her"

We love to talk… we can talk about anything under the sun. from kulitan mode to serious mode to emo mode. We really talk about us most of the time. One thing about our relationship na hindi mawawala ay ang communication. Mas gusto namin ang mag-usap kesa magsigawan at magaway.. So far so good kami pagdating dyan.. pinaguusapan namin ang mga bagay bagay o kung anu ano lang… kahit ang problema.. kahit ang isang masakit na nakaraan.. ang kasalanan nya..kasalanan ko.. ang mga naramdaman ko in the past.. lahat yun napag-uusapan namin ng usap lang. And last night after watchin Narnia, we went to bed and talk about “us” like what we always do.

Kwentuhan lang bago matulog.. then he started to tell me sweet things.. mga bagay na palagi nya sinasabi sakin.

“ang swerte ko sayo mahal”
“kalokohan ang iwan ka..”
“hindi ko kakayaning matulog dito ng wala ka at di ka na katabi”
“wala na ko makikita pa na katulad mo..”
“sobra mo ko asikasuhin..”
“mahal na mahal kita..”
“mawala na sakin ang lahat wag lang ikaw..”

He was looking at me.. and I felt his sincerity. Tuwing sasabihan nya ko ng mga ganun lague ako naiiyak kasi pakiramdam ko tumatagos lahat ng salita nya hanggang sa loob ng katawan ko.

Then parang nagrewind lahat.. I end up asking him one question..

“bakit mo ko sinaktan?”

Then we talked about “us” again and dyena.. He started to tell me things na narinig ko na. Minsan ganun lang.. binabalikan lang namin para maubos na lahat. We were embracing each other and crying..trying to burst out everything.

“alam ko kasalanan ko lahat..nasaktan kita noon pero pinagsisisihan ko na ngayon.”
“alam mo mahal..yung nangyari sa ating tatlo ni dyena.. ako ang may kasalanan.. ako yun.”

Then I replied.. “alam ko”

“hindi ko talaga alam kung pano ko nagawa at nasabi yung mga bagay na yun sa knya.. alam ko sa sarili ko na hindi kita kayang iwan at ayoko na talga sa knya. Nakain lang talga ako ng awa.. yung kalbaryo na naranasan at nararanasan nya kasi dahil yun sa kin. Nangako ako sa kanya dati na hindi ko sya iiwan.. pero alam nman nya yun eh na npabayaan din naman nya ko.. na may kasalanan din nman sya sa mga nangyari samin. Ang nasa isip ko nun alam ko nman na bibitawan din nya ko… alam ko isang araw bibitaw din sya. Gusto ko lang sya pasayahin tapos aantayin ko na lang na bibitawan nya ko”

“marami kami pinagdaanan nun.. sobrang dami.. pero tapos na yun..”

Then like what I always do.. pag nagsasalita na sya at naglalabas ng nararamdaman nya.. nakikinig lang ako.. I’ll just hold him tight.. kahit na ano pa yung sinasabi nya.. pinaparamdam ko lague sa kanya na nakiknig lang ako sa mga sasabihin nya..

I asked him.. “gusto mo ba sya kitain pag umuwi tayo? Yung totoo?”

Then he said.. “ang totoo? Hindi ko alam.” “ Parang gusto ko sya kitain pero kasama kita.. gusto kita ipakilala sa knya.. gusto ko rin magsorry sa kanya..”

I said ok lang sakin na magmeet kayo paguwi natin as long as alam ko.. I touched his face and told him “mas masaya ang mundo kung walang kaaway na tao. Dapat ka talgang magsorry.. pwede mo nman ayusin yung sa inyong dalawa, diba? Mas maganda yung ganun lalo na mahaba din nman ang pinagsamahan nyo. Makipag-ayos ka sa knya para mawala na yung mga bitterness at kung ano pa..kung ano man ang naramdaman nya at nararamdaman pa nya alam mo na kasalanan mo yun..”

I don’t know. Siguro kung may mga makakarinig lang ng sinasabi ko sasabihin praning ako. Na dapat nga pinagbabawalan ko pa sya na kitain yun.. am I pushing them to be back together? Hell no.. I just want them to settle everything…ayokong maging magkaaway silang dalawa. They don’t need to be back as close friends.. pero at least hindi nman magkaaway. Just like what I told her… ayoko rin na maging kaaway ko sya..

Hindi ko alam ang mga pwedeng mangyari pag-uwi namin…I hope God will guide the three of us.. kung ano ang mas makakabuti sana yun ang mangyari. Kung gusto nya na magkita kita kaming tatlo.. ok lang din. I am ready for that.. but kung makakagulo lang kami kay Dyena.. or simply hndi makakabuti pa for now sa kanya.. ok lang din..

Kung magkakasalubong.. why not. I can always smile at her.. :)

No comments: