Tuesday, December 2, 2008

Bakit lumobo ng 50 (and counting) ang inaanak ko sa edad na 25?

Sa maniwala man kayo o hindi.. hindi ko talaga lubos maisip kung paano lumobo ang bilang ng aking mga inaanak at umabot sa singkwenta (and counting pa..) sa edad ko na 25. Sa totoo lang napapakamot na lang talaga ako sa ulo pag naglilista ako ng mga pangalan nila - at aaminin ko na ang nililista ko ay pangalan ng mga magulang nila dahil hindi ko makabisado ang mga pangalan nilang lahat... hhmm si BULADO.. yun hindi ko talaga maalimutan ang pangalan ng batang yun dahil sya ang may pinakacute at unique na pangalan sa kanilang lahat.

Nung estudyante pa lang ako lagpas na ng bente ang inaanak ko. Tuwing pasko sumaskit ang ulo ng nanay ko dahil wala syang choice kundi abutan ang mga inaanak ko ng pamasko (cash na malutong). Kung minsan nman ay kinakapalan ko na lang ang mukha ko at sasabihin ko sa inaanak ko na.. "Bless muna sa ninang... babawi na lang si ninang pagnakagraduate na"

Yun! YUn ang aking famous line!

Pag magaanak ako ng binyag or makakatanggap ako ng invitation na ninang daw ako.. sasabihin ng nanay ko.. "tumanggi ka na nga! ang dami mo ng inaanak!" sasagot nman ako ng " mama, swerte yan.. tska bawal daw tumanggi"

Kung saan ko nakuha na swerte daw yun sakin at bawal daw tumangi eh talaga nmang hindi ko na maalala - kamot ulo na lang. Tuwing pasko nagugulat ang mga tita at tito ko dahil mula umaga hanggang gabi may pumupunta sa bahay para magbless sakin. *_*

Nakakatuwa nga pag naglilista ako ng mga inaanak napansin ko na kokonti pa lang dun ang talgang barkada ko.. at isa lang ang ibig sabihin nun.. pag nagkaanak silang lahat n mga kaibigan ko ang ibig sabihin nun madadagdagan pa ng ubod ng rami ang bilang ng mga inaanak ko. heheh goodluck!

Naranasan nyo na ba mag-anak ng binyag ng 3-4 beses sa isang araw? ako naranasan ko na yun at hindi lang isang beses un nangyari. Sa lugar namin sa Tondo usually isinasabay ang binyag sa pasko at pyesta ng sto. nino at sa naaalala ko tuwing pasko at fiesta ay nagaanak ako ng binyag. Ang problema ko nga minsan hindi ko alam kung kanino ako aattend dahil nagkakasabay sabay sa loob ng isang araw. ang ginagawa ko na lang... sa isang simbahan lang ako aattend tapos pupunta nman ko sa ibang mga bahay para kumain.

Nakakatuwa no? :)

Nung bata ako nagcocontest pa kami ng mga pinsan ko kung sino ang may pinakamataas na nakuhang pamasko.. ngayun hindi na ako bata at ako na ang nagbibigay ng pamasko.

Minsan iniisip ko kung bakit favourite ako sa na gawing ninang. Actually marami dun ay mga kapitbahay ko. Sikat ba ko samin? hhmm.. pinapatakbo nila akong barangay kagawad nuong huling eleksyon kaya lang hindi natuloy dahil pupunta ako ng Dubai at hindi rin ako tatakbo dun dahil for sure hindi ako mananalo - meaning hindi nman ako sikat. Galante ba ko? Hindi rin naman dahil alam nila na hindi naman kami mayaman...nakikita nga nila akong nagpapaending lang sa kalye dati.

aahhh basta.. siguro friendly kasi ako sa lugar namin kaya ganun. :)

Kung ang namomroblema nuon sa mga inaanak ko ay ang nanay ko... ngayun... ang nag-iisip sa dami ng inaanak ko ngayun pasko ay walang iba kundi ang aswa ko. Meron kasi kaming rule : "kung anong akin .. sayo" "ang pera nya pera ko rin.. ang utang ko utang din nya.. at ang mga inaanak ko.. ay inaanak na rin nya" ayos ba mahal?

TRIVIA:

Ang pinaka una kong inaanak ay dalaga na ngayun at mag-aabay sa kasal namin ni mister sa December. Ibig sabihin may dalaga na ko at matandang ninang na ko sa edad na 25.

No comments: