Si Manong at si Manang
Nakakatuwang isipin na nagkatagpo si manong at si Manang sa mga panahong hindi nila parehong inaasahan… PARAMIS!
Sino si manong at si manang?
Si manang ay si “ako”.
At si Manong ang pinakamamahal kong manong ng buhay ko!
Sa hindi ko talaga malamang dahilan, bigla na lang kaming na-in love na para bang kami lang ang lovers sa mundo.
Funny.. weird.. parang hindi totoo…
Ewan ko ba, everytime sinusubukan kong baliktarin ang utak ko.. hindi ko pa rin masagot lahat ng tanong na itinatanong ko sa sarili ko.
Mahal ko ba talaga sya all this time?
Pagkagising ko sa umaga, boses nya gusto ko marinig.
Pagdating sa office boses pa rin nya gusto ko marinig.
Pag-uwi sa bahay boses pa rin nya gusto ko marinig.
Bago matulog boses pa rin nya gusto ko marining.
Kung minsan hindi ako makatulog.. inaabangan ko ang oras ng paggising nya! Meaning gising ako sa buong magdamag marinig ko lang boses nya bago ako makahimbing sa pagtulog. Kung hindi nman nakaset na alarm ng mobile ko kung what time sya nagigising sa umaga..at tatawagan ko sya. Kahit na puyat at least masaya akong matutulog!
Ang kinalabasan?
Nagmimistula akong panda sa office - sa lake ng eyebags ko!
Kaloka no?! kung ilang beses ako magload sa isang araw hindi ko na alam. Minsan nasisita ako ng mga senior citizen na nakapaligid sa kin sa sobrang paggastos ko sa load. Kaya lang, wala eh.. dun ako masaya – ang makausap sya!
Masisisi ba nila ako? Nagmamahal lang po ako!
Siguro ganito talaga pag mahal mo talaga ang isang tao.. Parang newbie ako ngayun sa usapang puso.. totoong love na kasi to.
Parang kelan lang.. dahil sa mga masalimuot at nakakalokang love life lague ko sinasabi sa sarili ko , “ God might be busy writing the best love story for me..”, ngayun I know ‘eto na yun.. Sinimulan na nya isulat ang totoong love story ng buhay ko.
Naniniwala rin naman ako sa fairy tales, sa prince charming at sa happy ending..
Kung hanggang kelan ako masaya?
Hindi ko alam.
Basta ang alam ko – masaya ako at nagmamahal ako ng totoo.
Si Manong ang buhay ko.
Thursday, December 27, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment