asan n nga ba talaga ko?! (nasa dubai) yeah right.. pero ang totoo naliligaw talaga ko. hindi ko nga alam kunng pano ko napadpad d2. as far as i could remember ang gusto ko lang eh malaman ang feeling ng nkasakay sa eroplano...whew! excited pa ko as in! pero parang ala lang...know the movie - Dubai?! sabi nila dumadami ang mga nagpupuntang pinoy dito dahil kay aga at claudine isama mu pa si john lloyd. nak ng tinapa, parang kelan lang nanonood ako ng Dubai sa sm megamol at ngaun kasama na ko sa casting ng "buhay Dubai".
"hay buhay...dubai", yan ag lague mo'ng maririnig sa mga noyping nagtyatyaga sa buhay dubai. well, kumbaga sa script- yan ang famous line. sa totoo lang parang nasa pinas ka rin lang nman. wala masyadong special sa lugar na 'to. kung meron man, cguro di ko lang masyadong appreciated dahil nakatali pa ang mga mata ko sa ganda ng pinas. (what?!) sabi ko ganda ng pinas...
sa maniwala man kau o sa hindi..naging higit na truly proud pinoy ako nung napunta ako dito. tuwang tuwa ako pag may nakikita akong "kabayan"- tawagan ng mga pinoy sa kapwa pinoy. kabayan! kabayan! kabayan! ang sarap pakinggan no?! parang damang dama mu ang pagiging pinoy. (tunog noli de castro?!)
pero minsan malulungkot ka rin..pero mas maganda atang term yung maiinis ka rin pag may nakita kang mga kufalogs na pinoy na nagkakalat ng lagim dito. maiba muna 'ko...nakapunta n ba kau sa smokey mountain? naaalala nyo pa ba ang amoy ng ating famous bundok ng basura?ewan ko ha pero may tatalo pa dun...maniwala kau pwamiz! madami k dtong makikitang walking smokey mountain..to d highest level ang amoy pare..paquiao kung manapok. sa mga ganitong bagay magiging proud noypi ka. sa totoo lang ang pinoy kahit sa estero o bundok o bukid man nakatira hindi mu maamoy ng ganun kasama pero yung ibang lahi sobra as in...hehhe pag naamoy nyo kanin n lang kainan na!
halos lahat ng taxi driver na nasakyan ko tuwang tuwa sa mga pinoy...iba't ibang lahi mostly pana o patan (pana-indian, patan-pakistani) ang nagsasabi na mas gusto nila kaibigan ang mg noypi. naks nman...mabait daw kc ang mga pinoy at mabango...
see..marami tayong fans!
kung may mga ibang lahi na type tau as friends... madami ring ibang lahi na type ang mga pinay maging sobrang friends. sa totoo lang andami ko ng narinig na kwento tungkol dito sa mga pinay na may mga syotang iba ang lahi..
may problema ba dun? ewan ko. wala cguro...kaya lang minsan nagiging sobra na..wala na sa lugar.
maria clara where are you?!
Naalala ko nung second day ko dito nasermunan kagad ako ng tito ko. Lumabas lang nman ako ng nakashort and sleeveless..malay ko ba! “jingjing! Wag mung gagawing pinas to dahil hindi to pinas!” parang pelikula. Nagecho bigla sakin ang boses ng nanay ko. Mama kaw ba yan?May point nman pala ang tito..it’s for my own good nman pla.. heheh. Narealized ko din lately na masyado ring maraming aswang dito. at sa totoo lang kung makatingin akala mo first tym lang nila makakita ng babae.
Iba’t ibang luv story din ang makikita nyo d2..May nakilala ako may asawa’t anak na sa pinas pero ang kalive in nya dito – Lebanese. Alam ng asawa nya?! Xempre hindi..
May nakilala ako 2 pinay takas sa mga amo nila. Ngayun, TNT. Job description? Mangolekta ng jowang iba ang lahi para mabuhay lang sa dubai. Kapit sa patalim? Cguro.
Nakakawa?
Ewan ko..masisisi mo ba cla kung ba’t ganun ang nangyari sa kanila. Well, ika nga ng matatanda- don’t judge the book when it’s closed. Hindi ko nman alam kung anu talaga ang nangyari sa kanila.
May karapatan ba ko’ng husgahan cla? Wala. Bad trip lang minsan nung narinig ko ang salitang pokpok sa ibang lahi..ano daw?! Pokpok! Nak ng…panu b nila nlaman yun? Kasalanan din ng mga pinoy..
tanungin mu nga ko ngaun kung proud pa ba kong is akong kabayan?
Sa kabila ng lahat proud pa rin ako. Aba…sabi ko nga kay bob ong, hindi ako tutulad sa mga naisulat nya sa aklat nya (close kami)..Toktoktok!!!! Di nman sa pagsasalita ng tapos..3 months p lang kc ako dito kaya hindi pa masyadong polluted ang utak ko. Isa pa takot ako sa tito ko baka maipackage nya ko papuntang pinas sa sobrang pagkainis sa’kin. Mahirap na baka di ko pa mabawi lahat ng gastos ng erpats ko.
Hay naku buhay Dubai!
Mabuti n lang may trabaho n ko d2. kung maririnig nyo lang lahat ng iba’t ibang kwento ng mga pinoy d2 di nyo na cguro maiicp magpunta pa ng dubai.May kakilala ako d2 8 times ng nageexit- wala pa ring trabaho. Cge nga, gusto nyo p bang pumunta d2? Sabi nga ng iba swertihan lang daw ang pagkakaroon ng work dito. I’m happy to say maswerte ako at magagaling ang mga guardian angels ko…
Hay naku buhay Dubai!
Miss ko na ang Pinas.
Miss ko na ang Tondo.
Mas Masaya sa pinas…kahit mahirap at magulo. Wala pa dito ang mga pagkaing gusto ko. Gusto ko ng mga pagkaing inihaw sa kanto—yummy!!! Isaw,helmet,adidas,tenga ng baboy,at kung anu ano pa!love it!
Naospital na nga rin pala ko dito sa dubai- food poison salamat sa daing na bangus. Mabuti na lang namana ko ang tapang ng nanay at tatay ko. Pagkakain ko ng napakasarap na daing na bangus bigla n lang lumobo to’ng lips ko and then namula na ko at nhirapan na kong huminga. Sa kagandahang loob ng mga ka-officemates ko nagpunta ako sa ospital ng magisa habang namumula at di makahinga. Mukha akong tosinong naglalakad sa loob ng hospital, imagine?
Parang eksena sa pelikula…nagaantay pa ko ng turn ko dahil may numbering silang sinusunod. Since sobra na 'kong hilo dumeretso n ko sa emergency at tska ko na cnabing –“I can’t breath”.
Ang ending..humihinga p nman ako.
Kaya nga eto at nakikipagusap sa inyo…
Mas lalo ko nga namiss ang mama ko nung may sakit ako eh….“mama…may yayay ako…” no choice…wala xa eh kaya pagalingin mo ang sarili mo ng magisa.
That’s life…
Nasa’n n ba ko?! Hindi ko pa rin alam eh…kung pwede sana pakipackage nyo na ko pabalik ng pinas plssss…help me!!!
-july 26, 2007
-
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment