Saturday, December 29, 2007

trying to be happy on xmas day...






lumipas ang noche buena, lumipas ang pasko na andito ako sa Dubai. first time lang mahiwalay sa saya ng nanay ko nakakamiss ang pasko sa pinas.. miss ko ang ingay ng bahay namin sa Tundo pag pasko.. ang mga bata sa kalye.. ang madaming tao.. ang Sto. Nino Church, si father Eric Santos, ang mga tito't tita ko, ang mga pamangkins, anG 40+ na inaanak.. ang inuman sa kalye, ang mga tropa, si mama, si papa, mga utol ko,at syempre ang mahal ko.

sarap sana umuwi sa Pinas ng ganitong panahon. kaya lang isasampal lang sayu ng totoong buhay na hindi biro ang umuwi ng pinas kung kelan mu gusto lang umuwi.. hindi ito kasing simple lang ng pagsakay ng isang bus + isang Jip + isang tricycle and then TAAARRRAAANNN!!! nasa pinas ka na!
malungkot ang december ko, malungkot ang pasko!
Nakangiti naman ako.. nakikitawa pero ang totoo malungkot pala talaga. Kahit ilang load ang ubusin ko hindi enough para mapawi yung lungkot ko..
kanina lang kausap ko si manong.. parang lalong lumungkot..
sana lang kanina tinubuan ako ng pakpak at ilipad ako ng hangin patungo sa kanya.. gusto ko syang tabihan, kausapin habang nakatitig lang ako sa mga mata nya, o kaya naman hahawakan ko lang ang kamay nya... kahit one minute lang.
or 30 seconds..
or kahit 15 seconds payag ako..
pero imposible.. apat na oras ang pagitan namin... milya milya ang layo ng kinauupuan ko ngyaun sa higaan nya.
ngayung december, lalong lumala ang hobby ko.. ang pagbibilang ng stars at eroplano sa langit..
kung bakit? hindi ko alam..
minsan, masaya tumingala at tumanaw sa malayo... at magpakawala ng buntong hininga.. habang iniisp mo ang mahal mo.. parang sa text lang - "iniisp ko na lang na nasa iisang kalangitan lang kami.."

....oh well, mabuti na lang enjoy ang tirahan ko dito sa Dubai. isa kaming nagkakaisang pinoy community... mahilig sa salusalo, sama -sama at hindi kanya kanya.. kaya nga nung noche buena - aba nman isang barangay kami! hahah daming food at daming tao. sabi nga nung isang Pana (indian) na nagdedeliver ng mga order sa grocery kami ang pinaka d' best na nakita nyang mga pinoy na nagcelebrate ng pasko..

share ko lang ang aming mga pics..

mga ofw's on xmas day!
at isa ako sa mga noypi jan..
trying to be happy on xmas day...
---mahal,
sana kapiling kita nung pasko! corny.. pero yun talga eh.. sana kapiling kita nung pasko!
mahal mo




No comments: