Showing posts with label best love story. Show all posts
Showing posts with label best love story. Show all posts

Sunday, February 22, 2009

spell H-A-P-P-Y

there is no such word to express kung gaano kami kasaya. basta ang alam lang namin masaya kami na magkasama at hinaharap ang araw-araw na buhay.

nagigising kami na magkayakap at natutulog na magkayakap. sino ba makakapagsabi na dumaan na kami sa matinding bagyo - just few months back?! whenever i looked back.. hindi na ko nalulungkot or naiiyak. there are times na napapatanong ako - how come nakatayo pa rin ako ngayon? at magkasama pa rin kami?

"you just have to forget her..cuz you have to accept your relationship is too shallow..", that's what she told him before.. mabuti na lang din ako pinili nya. he could have chosen her.. pwede din nman talaga nya ko hindi pakasalan.. but i don't know.. maybe, we're meant to end up together talaga.

i am not happy na merong nasaktan at nalulungkot.. pero iniisip ko na lang na God has a plan for her and for us. hindi ko rin naman maexplain kung paano at bakit nangyari ang mga bagay na nangyari in the past..

isa lang ang alam ko.. natapos din ang bagyo. kung minsan pinag-uusapan pa rin namin ang mga nangyari pero wala ng sama ng loob. tanggap na namin pareho kung ano man ang mga nangyari sa past.. tinatawanan na lang namin. :)

trials are spices in life.. you've got to experience pain for you to live and hindi lang para malaman mo na nageexist ka sa mundo. ginagawa nitong pulido ang pagkatao mo nang di mo namamalayan..

masaya mabuhay.

masaya ang buhay ko.

- thank you Papa God. *_*

Thursday, December 27, 2007

Si Manong at si Manang

Si Manong at si Manang

Nakakatuwang isipin na nagkatagpo si manong at si Manang sa mga panahong hindi nila parehong inaasahan… PARAMIS!

Sino si manong at si manang?

Si manang ay si “ako”.

At si Manong ang pinakamamahal kong manong ng buhay ko!

Sa hindi ko talaga malamang dahilan, bigla na lang kaming na-in love na para bang kami lang ang lovers sa mundo.

Funny.. weird.. parang hindi totoo…

Ewan ko ba, everytime sinusubukan kong baliktarin ang utak ko.. hindi ko pa rin masagot lahat ng tanong na itinatanong ko sa sarili ko.

Mahal ko ba talaga sya all this time?

Pagkagising ko sa umaga, boses nya gusto ko marinig.

Pagdating sa office boses pa rin nya gusto ko marinig.

Pag-uwi sa bahay boses pa rin nya gusto ko marinig.

Bago matulog boses pa rin nya gusto ko marining.

Kung minsan hindi ako makatulog.. inaabangan ko ang oras ng paggising nya! Meaning gising ako sa buong magdamag marinig ko lang boses nya bago ako makahimbing sa pagtulog. Kung hindi nman nakaset na alarm ng mobile ko kung what time sya nagigising sa umaga..at tatawagan ko sya. Kahit na puyat at least masaya akong matutulog!

Ang kinalabasan?

Nagmimistula akong panda sa office - sa lake ng eyebags ko!

Kaloka no?! kung ilang beses ako magload sa isang araw hindi ko na alam. Minsan nasisita ako ng mga senior citizen na nakapaligid sa kin sa sobrang paggastos ko sa load. Kaya lang, wala eh.. dun ako masaya – ang makausap sya!

Masisisi ba nila ako? Nagmamahal lang po ako!

Siguro ganito talaga pag mahal mo talaga ang isang tao.. Parang newbie ako ngayun sa usapang puso.. totoong love na kasi to.

Parang kelan lang.. dahil sa mga masalimuot at nakakalokang love life lague ko sinasabi sa sarili ko , “ God might be busy writing the best love story for me..”, ngayun I know ‘eto na yun.. Sinimulan na nya isulat ang totoong love story ng buhay ko.

Naniniwala rin naman ako sa fairy tales, sa prince charming at sa happy ending..

Kung hanggang kelan ako masaya?

Hindi ko alam.

Basta ang alam ko – masaya ako at nagmamahal ako ng totoo.

Si Manong ang buhay ko.