Friday, June 6, 2008

...ang say ng mga kabayan

Kahit saang sulok mu ibaling ang mga mata mo imposibleng wala kang makikitang Pinoy. Nagkalat ang kabayan sa kung saan-saan. Nakakatuwa din dahil parang nasa Pinas ka lang na nahaluan ng mga nagkalat din na ibang lahi.

Iba-ibang eksena ang makikita mo dito. Lalo na pag panahon ng pagpapadala sa Pinas. May kanya- kanyang linya ang mga kabayan.

Nung isang araw nagpadala ako ng katas ng pawis ko sa Pinas. Grabe naman talga ang haba ng pila.. punong puno ng halu-halong lahi – may mga pinoy, pana, patan at kung anu-ano pa.

Eto ang ilan sa mga linya ng mga kabayan.

Isang pinay na may kausap sa phone. “naku po kapatid kanina pa ko dito.. hihimatayin na ata ako…ang lakas ng kapangyarihan ng katabi ko…” hahhah sobrang baho nga talaga nung mamang pana na katabi nya.

“padala na naman wala namang nangyayari..bayad utang lang sa Pinas..” – hhayyy ate ganun talga.

“ay naku ang sahod ko lumipad lang sa kamay ko..”

“tangna nman oh… amoy achas tong mga to..paglabas natin d2 baka mangamoy na arin tayo..” hahhaha kuya ang puso mo!!!

At ang pinakafav ko nung gabing yun..

“ang haba naman ng pila.. first time ko lang magpadala..wala pa kong experience sa ganito..naku late na ko sa ka-eyebol ko..”- naku po si ate pinagaantay ang kaeyebol.. whehehhe

No comments: