Friday, May 30, 2008

sugpuin ang mga surot!!!

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan nagising na lang ako na nagtatanong ng “ bakit ba ang daming surot dito sa Dubai?” Wow as in grabe naman talaga at everyday and every night nakaka- face to face ko ang dati rati nman ay hindi ko kakilala. Malala pa nga minsan dahil gusto pa ata nila na isama mo pa sila kung saan ka man pupunta. Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako! Numero unong problema ng mga Pinoy ang surot dito sa Dubai.

Minsan napapaisip na lang ako kung gaano karaming dugo ang nasisipsip nila mula sa katawan ko. Sayang din yun! Pwede ko pa naman yun i-donate sa red cross pag-uwi ko ng Pinas pero ang nakakalungkot sila lang ang nakikinabang. Aba, hindi ata biro ang makagat ng surot!

Bakit ba sila nabuhay sa mundo? Saan ba sila nagmula? Nilikha ba sila para sa anong kadahilanan? Balance of nature? Alam ko na, nilikha sila para manggising sa madaling araw hanggang sa hindi ka na makatulog sa kakaisip na baka mamaya dahandahan ka na naman nila sasalakayin kapag alam nilang nahiimbing ka na naman sa pagtulog.

Sa Pinas marami din namang surot diba? Ang pagkakaiba nga lang ng surot sa Pinas, higit na malalaki sila at matatalino. PRO kung mansipsip ng dugo ng mga mamamayang pinoy. Hindi nga lang pala dugo ang sinisipsip nila kundi kasama na ang lahat ng pawis na lumalabas sa katawan mo. Tsk.. tsk.. tsk..Hindi ko alam kung hanggang kailan magiging biktima ang mga ordinaryong Juan dela cruz ng mga higanteng surot na naglipana sa bansa. Sana pwede rin sila gamitan ng insecticide para mawala na silang lahat. Sana madali lang din sila tirisin o kaya nman hampasin ng tsinelas at tapakan. Kaya lang ang nakakalungkot isipin, tayo ang nagpapatapak sa mga surot at hinahayaan lang natin sila sa walang humpay na pagsipsip sa lakas ng mga ordinaryong mamamayan. Hanggang kalian ka papayag kagatin ng surot?

Hanggang sa umabot na ang sakit at hirap na dulot ng kagat nya sa mga susunod mo pang henerasyon? Wag kang pumayag. Sugpuin ang mga surot!

*Syet.. nakagat na nman ako ng surot!

No comments: