Tuesday, August 5, 2008

Earthquake sa Dubai

Bagong salta sa Dubai.

Nangangapa. Nagmamasid. Naiinip. Wala naman talagang magawa kundi mag-isip. Magplano.. at magplano.. at pagkatapos matulog.

….nang matulog.

At sobrang himbing ako nang una kong maexperienced ang “earthquake sa Dubai”.

Nakakatakot. Ang akala ko nananaginip lang ako… pero totoong lumilindol.

Ba’t hindi sila nagigising? Naisip ko ang malas ko, 1 week pa lang ako dito naranasan ko na ang lindol..

Nakiramdam ako..gusto kong sumigaw at manggising..

….pero bakit parang ang higaan ko lang ang gumagalaw?

Nang huminto na ang pagduyan ng higaan ko tska ko lang narealized…

- nakahiga ako sa double deck at may couple sa ilalim ko.
- Ibig sabihin walang lindol…ahai..

Hanggang sa nakasanayan ko na rin ang bawat paggalaw ng aking higaan at ang sounds ng paglangitngit ng double deck sa madaling araw..

Ok lang yun… masisisi ko ban man sila eh natural lang nman yun? Pwede ko ban man ba silang sitahin ng :

“Mga ate at kuya.. bukas na lang po kayo mag-ano.. nagigising ako.. “

Haha.. buhay Dubai nga naman..

2 comments:

Anonymous said...

Panalo ang post mo bro! Hindi pa ko na kakaranas ng lindol dito sa UAE, dito ako sa abu dhabi located. Pero nabasa ko sa gulf news and accually few of my friends in dubai confirmed that there is actually an earthquake in dubai. Nakakatakot siguro yun kung nasa tutok ka ng burj dubai. Ano kaya ang feeling? Mmmmn. Sana katulad na lang ng lindol na na exprience mo ang ma exprience ko :D

Nga pala bro visit mo to: http://www.uaetambayan.com online community of pinoys yan in uae, similar technology of facebook and friendster pinoy style.

kisapmata said...

babae po ako sir! hehhe

sure dadalaw ako dun minsan! ;p

last week lang nung lumindol dito sa dubai. ayun ang talgang first lindol ever.. ;p