Tuesday, September 23, 2008

ang bayan kong nililipas

ang bayan kong nililipas?

Kamusta ka na ba, Noypi? Buhay ka pa ba? Ano na ang nangyayari sa ‘yo???

Kamusta na nga ba ang bayan natin?... kamusta na rin ang mga pinoy? Humihinga pa ba tayo? Gusto ko ng itanong ito ng diretsahan…

MAHAL PA BA NG PINOY ANG KANYANG BANSANG PINAS?

Nagtatrabaho ako ngayon bilang isang titser… sa araw-araw na buhay ko’t pakikisalamuha sa mga estudyante, masasabi kong marami akong natututunan, ‘di lang tungkol sa Pinoy.. pero tungkol din sa mga Kuryano.. English and grammar teacher ako ngyon sa isang eskwelahan ng mga Kuryano.. nais ko sanang magsilbi bilang isang guro sa isang public high school, pero di naman aarok dahil wala naman akong units sa education, at hindi naman ako LET passer.. iba ang kurso ko, pero gusto ko pang mag-aral sa susunod na taon.. kaya habang wala pa namang ginagawa, trabaho muna..

Hindi lang ang mga estudyante ko ang natututo sa bawat session ng pag-aaral namin.. marahil, hindi nila alam na marami rin akong napupulot mula sa kanila.. masaya ring makihalo-bilo sa ibang kultura.. ibang experience…

mga edad 20-26 ang range ng mga estudyante ko.. bata pa rin naman sila hindi ba… pero mas bata nga lang ako.. minsan ayokong sabihin kung ilang taon na ko, kase baka ma-intimidate sila.. eh kaso tintanong pa rin nila.. oh well..

sa isang session namin, may binahagi ako sa kanilang essay na nakuha ko mula sa e-mail.. binigay ng nanay ko.. isinulat ito ng isang kabataan mula sa Korea, at patungkol ito sa bayan nila—mula sa paghihirap nila, hanggang sa pagbangon..

dati pala, naging mahirap ang bansang ito dahil sa gera.. dumating ang puntong nainggit sila sa Pinas dahil nung panahong iyon, MAYAMAN tayo.. SAGANA tsong.. gusto nilang maging kasing yaman natin.. marahil ito ay iyong panahon ni macoy..

pero ano nang nangyari? Sa tingin mo, sa panahong ngayon, nanaisin pa ba nilang magingkatulad ng bansa natin?--à SA MALAMANG, DEHINS.

mayaman na at maunlad ang bansa nila ngayon.. bakit sila nagkaganun?... ito ay dahil sa mga TAO ng bansa nila.. dahil sa mga Kuryano.. mahal kasi nila ang Korea.. nag-sakripisyo silang magtrabaho sa ibang bansa noong mga panahong iyon.. okey daw ang ganung technique sabi ng isang estudyante ko dahil nagkakaroon ng pagkakataong makilala ang mga Kuryano sa ibang bansa.. mahal nila ang kapwa-Kuryano.. hindi katulad ng pinoy, minsan, gugulangan ka pa..

kahit yung mga estudyante kong kabataan, pinaglalaban nila ang Korea.. pinagmamalaki nila ito at sinasabi nilang mahal nila ang Korea…

e pano naman tayong mga Noypi? Oo nga’t nagtatrabaho tayo sa ibang bansa, pero iligal naman.. tska minsan underemployed tayo.. yung mga college graduates, they sometimes end up being domestic helpers.. sayang naman ang edukasyon naten.. maybe it’s about time to showcase what the Filipinos got.. time to shine na.. madalas, ang mga pinoy, once na makaapak na sa ibang bayan, nagtatago na roon at hindi na muling bumabalik sa pinas.. tuluyan ng iniwan ang bansang kinagisnan.. hindi naman masamang mag-isip ng sariling kapakanan, diba? Wag nga lang sana nating kalimutan kung san tayo nanggaling…

IKAW, noypi… kelan ka ba magagamit ng PINAS? Kelan niya ba mararamdaman ang pagsisilbing nararapat para sa kanya? Kelan mo ba siya pagtutuunan ng pansin? Patuloy ka bang naghihintay ng isang tagapagligtas ng Pilipinas? Ang hinaharap ay nasa iyong mga kamay.. huwag ka ng maghintay ng agimat diyan.. hindi iyon ang kelangan mo.. naten..

--> Tinatawagan ko ang lahat ng kabataang nagmamahal sa bansa.. mag-aral tayong mabuti at magsikap para sa ating bansa.. huwag nating hahayaang ang ating BAYANG PILIPINAS ay maging isang BAYANG NILILIPAS..
isinulat ni: ALPS http://soakedinfrustration.blogdrive.com/
- nabasa ko to habang naghahanap ng lyrics ng chikiding. Natuwa ako kaya ipopost ko. at the same time napag-isip ulit ako - asan na nga ba ang mga noypi?!

No comments: