i don't know kung pano ko nakukkuhang basahin ng paulit-ulit ang mga salitang pumapatay sa'kin..
i almost memorized this one.. ito ang pinakapaborito ko sa lahat..
imagine me reading this.. with a smile on my face. ang sarap sana basahin.. kung para sakin lang sana 'to. but it's not for me.. but for somebody else.
"wala lang. miss lang tlga kita. sana kasama kita. wag mo isipin na nakalimutan na kita. dahil d lumalagpas ang bawat oras at araw na hindi kita iniisip at naaalala. sa totoo lang hindi ko alam ang irereact ko sa pagabroad mo. d ko alam kung malulungkot ako or matutuwa. para kasing naglalaho na katuparan ng mga plano ko. natutuwa ako in a way na pwede kita makasa dito at magsimula. pero ayaw ko dito. toxic ang magabroad. nalulungkot ako pag naiisip ko na mararanasan mo kung pano ang magtrabaho dito. dahil hindi masaya. alam ko pagsisisihan mo pag pumunta ka dito pero d ko alam kung paano kita mapagsasabihan. iba kasi ang interpretasyon mo pag sinasabi ko iyon. akala mo ayaw kita makita. kung alam mo lang sabik na sabik na ako makasama ka. mahal na mahal kita. mahal na mahal. hindi mo alam kung ano ang pagnanais ko at pananalangin na sana lagi kita kasama. mahal na mahal kita. magiingat ka sana palagi. walang kahit anong bagay, pangyayari, or sino man ang makakapagpaalis sayo sa isip at puso ko. mahal na mahal kita. pero sinabi ko na sa sarili ko. isang taon lang ako dito. tatapusin ko lang ang one year at pupuntahan kita. aayusin ko ang lahat. yayakapin uli kita at di na bibitawan pa. mahal na mahal kita. mahal na mahal. ingat ka plagi."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
"walang kahit anong bagay, pangyayari, or sino man ang makakapagpaalis sayo sa isip at puso ko" -i hate this line..sakit tagus-tagusan..
sana d mo na to nabasa..pero d naman pinahintulutan kung walang ibubungang leksyon kaya tama na rin na dumaan ito sa buhay mo..
kaya mo yan..ikaw pa..matibay ka..at ikaw ang nagiisang mahal tandaan mo yan wala ng iba pa..-rai
Post a Comment