Monday, June 1, 2009

happy birthday to me!!!




today I turned 26.. matanda na rin pala ako pero sa totoo lang di ko nararamdaman na tumatanda ako. 4 more years nasa line of three na ang edad ko pero wala naman sa edad yan diba?? parang kelan lang naglalaro lang ako ng chinese garter, 10/20 at remborak.. ang bilis ng panahon.

marami na rin ang nangyari sa buhay ko.. marami na rin akong napagdaaanan.. ive been through heaven and hell and everything in between. kung ilang beses ako umiyak sa loob ng 26 years hindi ko alam.. basta ang alam ko ilang beses din akong nasugatan at nadapa pero natutunan ko din namang tumayo, maglakad at magtiwala kay God.

siguro memorable lang sakin ang pagpalit ko ng edad ngayun.. naappreciate ko ata na im a year older. after my bday last year sobra kasing daming nangyari.. dito ko naranasan ma-down, ma-stress, malungkot ng sobra, mawalan ng tiwala sa sarili, mainsecure, mapraning, magalit.. ang daming negative emotion. akala ko pagdating ng araw na to.. wala pa ring magbabago. akala ko hindi pa rin ako makakalet-go at makakamove on.

pero eto ako... masayang nagising sa umaga.. binati ng taong pinakakamahal ko.. may malikot na baby sa tyan ko habang isinusulat ko to. umaandar ang oras.. at matatapos ang bday ko na masaya ako..

..kahit na walang cake, walang spag or pansit, walang letson, walang beer, walang money..

nauna na kasing ibinigay ni papa God ang gift nya sakin. sobrang advance..

HAPPY BIRTHDAY TO ME!

ps. salamat mister at salamat sa lahat ng nakaalala at bumati. tumatanggap din ako ng gift! *wink

No comments: