Tuesday, November 23, 2010

hintay



isang araw ng pagsilip
isang yugto ng pagmulat
ipikit man ng pilit
salat pa rin ang sugat...
saan ka patungo?
hinihingal...tumatakbo...
pilitin ma'ng huminto
ngunit paa'y 'di magkasundo
sa lamig ng hangin
sa ilalim ng buwan at bituin
magtatanong ng pilit
hahabulin ka ng matulin
sandali lang...
saan ka patungo?
hintay...sasama ako
naghahanap ng tamang mood para dugtungan..

No comments: