Showing posts with label pinoy. Show all posts
Showing posts with label pinoy. Show all posts

Tuesday, August 19, 2008

may masama ba sa pagiging mukhang katulong?

May dinalaw akong isang blog kaninang umaga...on her latest entry i was disturbed by her words describing these "mukhang katulong daw" na mga tao. oh well.. i dunno why some are so mean to describe other people like that.. how would you know if they are cheap? huh?!

nakakalungkot isipin na may mga tao na ayaw mahalo sa mga hindi masyadong kagandahan na mga nilalang. may kasalanan ba sila kung hindi sila kasing porma ng iba dyan? and so what kung day-off nila? funny ba yun? they also have the right to enjoy kung kelan at saan man nila gusto. baka hindi nya alam.. some of those mukhang katulong ay higit pa sa kaniya. tsk..tsk.. kailangan talga marunong tayo tumingin muna sa salamin. napaisip din ako.. hindi nman sya kagandahan.. i dunno kung saan nya nakukuha ang lakas ng loob para makapanlait sa ibang tao. Ayoko na lang din isipin kung ano ang mga adjectives na ginagamit nya everytime nakakakita sya ng mga street children o sa mga nakatira sa squatter's area o sa mga pulubi sa kalye.

oh well, minsan na ko nabiktima ng ganyan - once upon a time someone told me " mukha kang minaltratong chakang DH sa Dubai..na tagalinis ng inidoro sa kubeta. " That person might be so rude to say that but her words did not even hurt me at all. I can't see anything wrong being a DH.. hindi nya siguro alam ang hirap ng isang domestec helper o ng mga tagalinis ng inidoro.

i know blog nya yun.. and she has all the right to write kung ano mang ang gusto nyang isulat. I just can't help to react and feel sad.. na may mga taong katulad nya.

sensya na kayo. mukha kasi akong "minaltratong DH na tagalinis ng inidoro sa dubai..pisawt"

Monday, August 4, 2008

pinoy sa likod ng kurtina

Over a thousand Filipinos arrive in Dubai every month. And why not? Literally, the sun shines here all year round; prosperity is in the air; and it's a place where people have reasons to dream of waking up in the morning as millionaires or with kilos of gold on their lap! Yun nga lang, habang hindi pa nangyayari yun, iba ang nakikita ng maraming Pinoy pagdilat nila sa umaga --- kurtina! Betcha by golly wow! Paano ko ie-explain to fascinated Pinoys back home our living condition here! Noong una akala ko isolated cases. But with the skyrocketing apartment rents in this City of Gold , such conditions are becoming the norm. Sideways...sidesteps Hindi yan dance step. That's the latest move ngayon sa mga sharing flats. Sa sobrang liit ng space, patagilid ang galaw. Kaya minsan, mga ka-flatmates, hindi na magkakitaan. "Hoy, where have you been, ba? Hindi ka na umuuwi sa flat!" Kasi nga lagi silang naka-sideview! Warning: Smoking is dangerous to your room. Hindi health reasons ang dahilan bakit bawal magyosi, no! Ang styrofoam kuya! Yes, naunahan ng Pinoy ang IKEA sa innovation na yan --- Yes, styrofoam walls, styrofoam doors, styrofoam room. Di ba nga naman, styrofoam keeps you fresh! Para kang gulay, o kaya ice candy. Pero siguro mas feel mo minsan na 'tuna' ka, o di kaya 'sirena' kung feel mong si Claudine ka. "Ate, di ba fire hazard yan?" "Anong fire ka dyan? Rent ang mas nakakamatay dito!" "Illegal ang partions sa Dubai . At least ang styrofoam, pag nagkahulihan, mabilis sa baklasan. Gets mo?!!!" "Yes, Ate." Therefore, 'no smoking': ang sirena baka maging daing! Burj Al 'Cupboards' Hindi lang Emaar Properties ang may 'K' na magtayo ng skyscrapers? Haven't we heard, the Philippines is a major supplier of architects in Dubai ? In other words, nasa dugo natin yan! Kaya ba ng Arabong gumawa ng rooms out of cupboards, luggages and shoe boxes? Dati sa airport lang bida ang mga luggages, ngayon multi-purpose na: dividers na rin sila --- para ang isang kwarto maging lima ! Pampataas sila sa mga cupboards kasama ng mga shoe boxes na pinaka-antenna. Siyempre, the taller the better --- you keep your neighbor's eyes away. Now Showing Pagpasok ko ng flat, akala ko sinehan, ang daming kurtina. Mga kuarto pala. Pero ang cute, cinematic!!! Parang barangay, complete with eskinitas. Kada bukas ng telon, parang movie --- sari-saring life. May natutulog, may nag-eemote, may nka-curlers, may nakasimangot. Sa panlimang kurtina, may nag-totong-its, sa pang-anim, may naggugupit. Ang gandang movie, di ba? "Ang Pinoy sa Likod ng Kurtina!" Paraisong Kurtina Ayyy! Our Paraisong Kurtina. It can make you laugh, it can make you cry. Be proud of our Paraisong Kurtina. It exists because we'd rather send our money home than spend more for our comfort. Within its walls, lies our desire for a little privacy, our groans, our tears, our dreams, our struggle for some little savings. My curtain says a lot. It says, "I have saved again, inay; I'll be able to send money next month." Dream mo pa bang pumunta ng Dubai ????

Mag isip-isip....

--- got this in my mail this morning...

Tuesday, July 15, 2008

mamimiss nyo rin ang pinoy

repost from brownmonkey

Imagine a world without Filipinos http://www.arabnews.com/?page=13&section=0&article=110923&d=16&m=6&y=2008

Kwela UAE Version
- wala ng customer ng shawarma sa gabi
- kokonti na rin ang sakay ng bus sa umaga at sa hapon
- wala na ring mag didisco sa chikka grill
- di na mapupuno ang chowking at tagpuan
- magiging ghost town ang karama, satwa, deira lalong lalo na ang al attar building
- mawawalan na rin kami ng gana tumambay sa may al guhrair para subaybayan ang mga kumakain sa mcdo
- mawawala na rin ang mga auto sa daan na may sticker ng "PEACE" at saka yung may mga ala-dyip decorated sticker happy supper lowered mag wheels neon powered na auto.
-ma-mimiss ko rin yung mga filipinang basa ang buhok sa umaga pag pasok plus yung paper bag nilang baunan na ulam namin sa tanghali- di ko na sila uling masisilayan sa beach kung saan sila ng fifishing
- ma mimiss ko rin ang tindahan ng baboy sa Lals at ang pagpunta namin sa beach kung saan namin iihawin ang baboy na yan
- mamimiss ko rin ang aking tatlumpung ka flat sa 503- ang tunog ng masking tape na inuubos sa pag gawa ng balikbayan box.
- ang tsinelas na tumagal na ng taon sa pag wiwindow shopping namin sa sa reef mall- ang naging kaibigan kong "lokal" dahil sa syota nyang kabayan
- pati na rin si andy ang dati kong carlift- sobra ko rin ma miss ang papaitan na pinaluto pa sa karama
- syempre ang mga kabayan nating nagmistulang kalapating low flyer (cute pa naman sila) sa may ratsky na hindi pumapansin ng kabayan dahil ala daw pera
- ang aking kabayan na nagpahamak sa akin at sumipsip sa amo kong pana
- ang aming sekretarya na tinuruan ako mag "pax" ng cv ko - mamimiss ko rin ang st. mary's dahil doon ang aming dating tagpuan,
- ang pagkahaba-habang pila sa exchange centers
- si mike na nasa canada na ngayon na tinatawagan si bobet ng citibank at rakbank dahil tinakbuhan nya ang 80k nyan utang sa credit card
- ang mga idol kong performer sa bar na walang hanggang ala "helicopter" ang ulo pag tinugtog na ang enter sandman ng metallica.
- wala ng bibili ng tabo sa supermarket
- mag lalagay ng mga stuff toys sa likod ng oto
- si ate liza, na hindi na ako pinansin mula ng nagka boypren syang lebanese, pinansin nya na lang ulit ako nung nag break na sila at pinatulan ang bago nyang boypreng pana.
- si anthony na umutang pa kay robert dahil bibili raw sya ng iphone, yung renta di nya daw nabayaran at puro noodles ang ulam nya.
- si ate joyce na pinagalitan ni ashraf dahil nag microwave sya ng pinakbet sa opis, e umalingasaw, after a month tinanggal sa trabaho dahil na badtrip amo nya.
- yung kabayan kong nagtatrabaho sa Media City na may autong "spark". dati kainuman ko noong nagbibike lang sya sa may al muteena, ngayon laki na ng sahod, suplado na.- ma mimiss ko rin si tita regina, alas dos na ng madaling araw nag kakaraoke pa. puros 70 naman score nya.
- ang mga kapitbahay ni carlo na adik sa "Lupin' at "eat bulaga"
- wala ng magkakandarapa sa sale
- si carol na walang humpay ang pag sayaw ng "ocho-ocho" sa president hotel
- ang mga tropa kong adik sa combo, 1 pitcher of beer + crispy pata- ma mimiss ko si pareng ambet, mas gugustuhin nya daw tumambay sa kish kesa mag trabaho sa dubai- sino na ang mag gi greet sa inyo pag bungad nyo sa opisina, wala na ring sasagot ng mga telephone calls nyo
- wala na ring maglalaro sa mga basketball courts
- mawawala na rin ang mga adik sa pagpo-post ng pekchur at blog sa multiply.
- wala na ring magpe-prendster- kokonti na lang ang texter population sa uae
- pag nawala ang pinoy wala ng bibili ng isang katutak na benetton hot cold pamango para pampadala
- ma miss ko rin si Robert na nahuli na ng dalawang beses ng Dubai police dahil sa pagdedeliver nya ng alak sa mga uhaw na lalamunan ng ating mga kabayan. Take note: binili pa yan sa umm al quwain / RAK para ipamudmod sa inyo.

additional:

- mamimiss ko c ache na walang humpay sa pagubos ng redhorse ni ate ni ate..
- ang mga makukulit at mababait na pinoy auditors dito na nagpapabilib sa mga ibang lahi at lague nagrereklamo na barat ang pasweldo ng company.. hehhe
- c ate na nagdedeliver ng food pag lunch na nagtaas na rin ng price from 7 to 8 to 10 uae dirhams.
- wala na mababaladia sa satwa
-wala na magsspray sa office ng air freshener pag may dumaang maantot
-wala na dudumog sa mga sale
- ang carlift na binayaran ko na ng 1 month pero 4 days lang ako sinundo..
- c kuya poldo na carlift ko minsan na inaabot ng 1 hr ang 15 mns.
-ang mga kabayan na driver esp c kuya sa 98E na pinipilit na pasakain ang mga babae kahit puno na
- mawawala na ang mga lalait sa mga amoy ng mga panaers and patan
-wala na rin magiingay sa villa 29
---hehheh at sobra dami pang iba :p

Haaayyyy. Masarap maging pinoy. Pwamis, mamimiss po namin sila!We are different and we are competent. Actually we are more than we think we are. Despite of being funny and odd, we are naturally outstanding in our own respected fields. Pround of being a filipino. Itaguyod na lang natin ang bandila ng Pilipinas. ok. Peace.

Thanks mr. rollan!!!