Sunday, April 27, 2008

i can feel u..

I can feel your sadness.. I know there are times you feel like you’re alone and no one to turn to – while the truth is I’m just right beside you. .. And it hurts me more. Seeing you crying makes me wonder why you’re here.. and it’s tearin me apart. Nalulungkot ako sa kalungkutan mo..

Sana hindi ka na lang malungkot kasi mas malungkot ako –( times 2 ng nararamdaman mu). Siguro kasi sobra kitang Mahal..There are times that I cry everytime maiisip ko na hndi nman kita napapasaya.. and it hurts to think so hard at wala ka na maisip kung pano kita pasasayahin.. am I worthy of ur luv?! Stupid question – and I don’t want you to answer.. nakaktakot..

Feeling ko kulang na kulang lahat..

Kulang ako.. at kulang pa..

Tuesday, April 22, 2008

"your husband's life partner..."

I saw this in multiply “ your husband’s life partner?” .. weird.. what if you are not really your husband’s life partner? Napaisip lang ako.. is being a wife means you are his life partner? Pano pala kung hindi?! What if there’s someone else? What if deep within his heart – written is someone else’s name as his life partner? ....

So ano ba difference ng "life partner" at ng pagiging asawa? And If u are his wife – hanggang kelan naman?

Well, ako wala na ko pakels jan sa “your husband’s life partner” sa multiply.. what is the most important thing is the fact that I’m his wife and I know I am his only one partner in life.. at alam ko rin kung hanggang kelan...

- not just for now..
- not just for today
- not just for tomorrow
- not just for this year
- not just for the coming years..

I’ll be his life partner until after the moment God takes my breath away..

tampisaw






First time namin magtampisaw sa dagat. sinimulan namin ng dapithapon hanggang sa lumabas na ang buwan.. ayun.. nangatog kami sa lamig! hhaha c mister nagdala ng digi cam na walang bat.. hhayyzz boy scout talga! :)

Sunday, April 20, 2008

bitterness..

"There must really be something terribly wrong with the present that we want to go back to the past."

But why? Why we want to go back when we are the one who choose to leave? In the end how sad to realized na tinakasan lang pala natin kung ano yung magpapasaya satin. And now, because we feel so down and alone we urge for the happiness that once we had. Too bad it’s too late. No matter how hard we try we can never be a part of that happiness again.. and we are left with nothing but only memories. That’s life.. we will never know what we have until we lost it. And when someone else keeps what we had thrown away.. we begin to feel that we’re longing for it - until we find our self wanting to bring it back again.

Longing....wanting.. needing.. wishing… hanggang dun na lang..

Thursday, April 17, 2008

_inarts_

Deeply hurt

This is one of the worst morning ever..nagising ng umiiyak - lecheng panaginip yan, namamaga ang mata, pinilit pumasok sa work kahit na inaatake na naman ako ng katam, naglakad papasok ng nag-iisip at naiiyak…salamat sa shades!

Kung bakit.. di ko alam. Normal ba un? Yung tipong naiiyak ka pero ewan kung ba’t ka naiiyak.. hhayyyzzz..

Am I too sensitive? Alam ko hindi ako ganun.. hindi ako ganun kadaling mahurt.. amf! Bago talga tong feeling na to.. ganito pala talga. Hindi naman ako ganito kajinarts before.. normally sa mga ganitong pagkakataon umaapaw sakin ang “wa pakels” attitude.. pero ngayun?! Goodluck sa feelings na madaling maginarts. Nagiinarts lang ba ‘ko o nahuhurt naman talga ako? There are times na feeling ko kasi mas priniprotektahan pa nya yung feelings ng iba kesa sa feelings ko.. masaktan na ko wag lang sya? Salamat sa multiply at naeexperience ko ‘tong sakit na ‘to. Ba’t ganun? Imagination ko lang ba yun? Minsan hindi ko talga naiintindihan na pag naiisip ko namumuo na lang ‘tong luha ko. Syet kainis.. I’m not supposed to feel this way pero yun talaga nararamdaman ko eh. hope naiintindhan nya na nasasaktan din ako..

This is no good.. sana mawala na 'to sa sistema ko ASAP!L

Wednesday, April 16, 2008

Dance of Life

There were two hearts who met in a dance. That moment was magical, there was a sweet song playing, there was harmony. And soon love in the air. They fell in love and they started building castles in their dreams. And promised forever with all certainty.

But somewhere in the midst of the fun, they got lost in the dance. Something went wrong, but they can never do anything. They were just drifting away, their fortress falling apart. There were so many questions but no one had an answer. Then the music stopped, then there was silence.

When we truly love someone we give our best and let that person see the pureness of our intentions. But sometimes that person makes us cry and hurts us for the wrong reasons. That someone must have loved us but he has not loved us enough to make him stand for what he truly felt.

Now, we are faced with the seemingly impossible task of forgetting. We have burdened ourselves long enough. But we still can’t get out from this emotional trap. Let us remember that the more we try to forget someone we love the more painful letting go will become.

Sometimes we never have to take that person out in our hearts at all, for he will always be there no matter how hard we try to drive him away. It isn’t his presence that made this difficult but it is our stubbornness to accept our destiny that aligns forgetting is next to impossible.

We keep a cold face but deep in our hearts there still that lingering hope for a reconciliation. Somehow, we still believe that we can rekindle small embers and relight the fire that once burned in our hearts. This thought gives us hope but it also breeds the seeds of loneliness and despair.

The only way to forget is to accept and the only way to move on is to look ahead and let the footprints of the past be blown by the wind of time. Only then can our hearts find a partner in the dance of life and hopefully never get lost again.

Monday, February 25, 2008

ENDING!!!

Ano na kayang ending?

- sa movie? Nope

- sa teleserye? Nope..

- ending ng away sa kanto? Nope..

- ending sa PBA? Hehhe yes!

Tama, isa ako sa mga nagpapataya ng ending nung estudyante ako. Simula nung elementary,highskul hanggang sa mag-aral na’ko ng college sa PLM.

Ba’t nga ba ako nagpapa-ending nung unang panahon?

Batang tondo ‘to eh!

Kung nabasa nyo ang story ko bout shampoo or itlog malalaman nyo kagad ang sagot..

Rumaraket ako para lang may maibaon sa school kinabukasan o kaya naman para may extra money kaming panggastos ng mama ko.

“Sana po walang manalo!” yan ang prayers ko bago matapos ang game…

Syempre para kabig ko lahat ng pera at sa’kin mapunta.

“Sana po magbigay ng balato yung nanalo..” yan naman ang dasal ko pag may nanalo na sana wag syang kuripot at magbigay naman ng balato..

Madali lang namang magpataya ng ending eh. Ang gagawin mo lang ay mangulit sa mga kapitbahay at sa mga friends na tumaya sila sayo.

Kelangan mapuno mo lang yung card mo pag nangyari yun..may tubo ka na!

Nung naghighschool na’ko hanggang college, sa may pier (MICT) na’ko nagpapataya ng ending. Mas mabilis kasi mapuno eh..Umaakyat ako sa bawat truck na kakilala ng tita ko na nagtitinda naman dun.

Mas mabilis mambola sa mga driver at pahinante ng truck..ilang oras lang puno kagad ang karton ko. Wala naman akong ginagawang masama pag umakyat ako..purely business lang!

Pero sa totoo lang marami dung babaeng tinatawag na “akyat truck”.

Yun ang mga babaeng kumakapit sa patalim..

Mabuti na lang ako..nagpapaending lang…

Sugal? Oo!

Bawal? Oo!

Pero ginawa ko dati para lang sa pag-aaral ko…nakatapos naman ako diba?

At least may pinatunguhan ang sugal na ginawa ko’ng hanapbuhay.

-“Taya ka ng ending?!”

Friday, February 22, 2008

salamat sa pana mu pareng kupido!

Ito ang ang araw namin ni manong -- ang pinaka-aantay naming sandali! Matagal din namin 'tong pinaghandaan... actually, dumaan kami sa napakatagal na pag-iisip, pagpaplano at sa sobrang habang proseso upang maisakatuparan ang aming pangarap. Isang linggo... tama.. umabot din yun ng isang napakatagal na one week -- at tarraaannnn kasal na kami!

Hindi kami naglalaro lang.. hindi rin naman namin 'to idinaan sa toss coin, o kaya sa jack en poy.. mas lalong hindi kami nagjojoke. Parang hindi lang totoo... Parang natulog lang ako isang gabi, nanaginip at pagkagising ko asawa ko may asawa na pala ako.

Sa totoo lang 'pag binabalikan ko ang araw na yun napapngiti na lang ako.. hindi ko kasi maimagine na ang akala ko na isang ordinary day lang naman dapat ay magiging extra-ordinary at extra-special. Yun na ata ang pinakamagandang pagmulat ng mata ko sa umaga kahit na puyat ako sa excitement at kaba.

Yup.. kinakabahan talaga ako.

Langya, pa'no na lang kung hindi nya ko siputin?

Pano kung pagkagising nya bigla na lang sya nagbago ng isip at hindi na lang ako pakasalan?

Pa'no kung biro lang pala 'to lahat at pinasasakay lang ako?

Pano kung bigla na lang nya ko sabihan ng " sorry manang.. but the game is over?"

Pero imposible yun..i know mahal ako ni manong.. kaya nga nagawan nya ng paraan na maiposas ako sa loob lamang ng ilang oras na pag-iisip kung pano nya ko pakakasalan bago ako makasakay ng eroplano.

Since 10 am ang kasal namin maaga ako gumising para hindi naman ako malate. But since mabagal talga ako kumilos.. nalate pa rin ako at nakarinig ako ng galit na boses sa phone, "parang hindi ka excited na ikakasal tayo ah.."

Asus.. kung alam lang nya na hindi ako nakatulog at kinailangan ko pa uminom ng san mig light para lang antukin. (heheh hindi nya to alam..) At kung alam lang nya na gusto ko magsuot ng over gandang gown at magpaayos sa pinakamagaling na bading that day.. ganun ako kaexcited!

Pagdating sa aming tagpuan.. wala pa ang aking groom.. kinabahan na naman ako! Hindi kaya ako iinjanin nun?! Pero naisip ko na baka nahirapan sa kakaisip kung anong isusuot... baka mamaya nagbarong pa ang loko talbog ako kasi pang-mall lang ang outfit ko.

Oh well, parang pelikula.. slow motion na papalapit sa'kin ang isang pedicab at bumaba ang pinakagwapong ikakasal sa balat ng lupa. Hhhhmmm...mejo pormal. He was wearing polo na hindi nman nya sanay na suotin, jeans , at converse na chuck! Astig.. ang lufet!

Sa sobrang pagkamangha ko sa pagkapormal nya nawala ako sa sarili at nauntog pagsakay sa taxi. Kinabahan ako... baka maalog ang utak ko at bigla ko na lang maisip na magback-out. Pero hindi mangyayari yun.. hindi matatanggal ng isang malakas na pagkauntog ang pagmamahal ko kay manong. Maganda ata yung quality ng helmet na ginamit nya sakin eh.. peace mahal!

Ilang minuto bago ang kasal nag-away pa kami as in...nag-agawan kami ng cp, naggalitgalitan, hanggang sa di na kami nagpansinan. Akala ko nga ayawan na eh - yung tipong " bahala ka sa buhay mu pakasal ka sa lelang mung panot.."

Pero -this is it! Tunay na 'to..pagkadating ng magkakasal samin nakalimutan namin bigla na magkaaway pala kami. To the highest level na ang aming mga ngiti. Parang pelikula ulit.. natetense ako habang hawak ang kamay nya at isinusuot ang singsing sa kanyang daliri at sinasabing " manong, wear this ring as a sign of my luv and loyalty, in sickness and in health, for richer or for poorer... till death do us part... "

Ayokong umiyak.. pero deep inside naiiyak ako sa sobrang saya.

Ang saya.. kahit na hindi ako nakagown, hindi ako nakamake-up, kahit na wala akong flowers na hawak, kahit na walang ring bearer at flower girls, kahit na walang reception, kahit na walang bisita, kahit na isa lang ang ninang at walang ninong, kahit na walang honeymoon after, kahit na namasyal lang kami sa sm manila para magpapicture at manood ng sine, kahit na kami lang dalawa ang magkasama.. ibang klase ang saya.

And that special day, feb 06, 2008 - WAS THE FIRST DAY OF OUR "FOREVER".

--- salamat sa pana mo pareng kupido!

Wednesday, January 30, 2008

a message to manong

A message to manong

Manong,

I’ts 5:18 in the morning and still I can’t slip kahit na ilang bote pa ng san mig ang inumin ko… Nabasa ko na lahat… quits na tayu?

Ok lang khit dalhin mu ko sa luneta…basta kasama kita..

I’m sorry… it’s just me.

Manang

so eto ang love?!

Now I’m one of them

Ngayun alam ko na kung ano ba talaga ang love.

Sa isang kisap masaya ka… pakiramdam mu dinuduyan ka ng mga alon sa paligid. Naguumapaw ang liwanag sa kalangitan.. kahit anong oras lumalabas ang rainbow kahit hindi naman umulan..

Pero sa isang kisap… para kang tinatangay ng alon patungo sa kawalan., at pakiramdam mu tinutusok ka ng isandaang icepick sa bawat himaymay ng laman.

Ganun ba talaga yun?

Alam ko ganu talaga yun.. para kang kumain ng candy at pagkatapos sasakit ang ipin mu sa sobrang tamis.

Shit! Nasasaktan ako ngayun…

Parang kelan lang mahal ni manong si manang..

Pinilit kong umuwing Pinas para sa kanya.

At Ngayong nasa pinas ako?

Hindi ko na alam.

At ang sakit..

Kasalanan ko alam ko.. but I do really love him with all my heart. I know hindi matutumbasan ng flowers na ipinadeliver ko sa office nya, at ng red roses ulit na personal na inihatid ko kanina kung anu man ang nararamdaman nya..

Gago lang ako pero mahal ko sya.

Hindi ko naman sya niloko in the sense that I know… pero para sa kanya gumawa ako ng isang malaking kasalanan na kelangan ko pagdusahan.

At hindi nya yun makakalimutan.

Kung hanggang kelan hindi ko alam.

Mahal ko pa ba sya?

Sobra.

Sobra na nasasaktan ako ngayun..habang tinitignan ang picture nila ng ex nya.

At pakiramdam ko wala na kong karapatang magalit..


Before nakita nya yung pic ko at ni ex.. but I have reasons for that..

Quits ba?


Pakiramdam ko wala na kong right magreact.. wala na kong karapatang magalit…Siguro hindi na talaga ako credible na paniwalaan.. I ruined everything..

Ngayun.. eto ako.. karamay si pareng San Mig Lights at si pareng Marlboro…

Umiiyak at nasasaktan..



-Salamat sa pana mo kupido.