Sunday, August 24, 2008

isang paglalakbay ni mang roland



God is good.. all the time!

Bong David and Mang Roland : Isang pagtatagpo na nauwi sa happy ending!

Si mang roland ay isang candy and yosi vendor sa kalye ng Binondo. Dating driver ng taxi subalit sa kasamaang palad ay nabiktima ng mga holdaper. Ang peklat sa kanyang leeg ay tanda ng paglaban nya para maisalba ang kniyang buhay at kinita sa buong magdamag.

Nitong Aug 10, 2008 nang makita ni bong si mang roland na nagtitinda sa binondo... bumili sya ng kendi at sandaling nakipagkwentuhan dito. Dahil sa pagkahabag kay mang roland ay naisipan nyang isulat ang pagtatagpong ito sa knyang blog sa multiply.

Simple lang naman ang nabanggit na pangarap ni mang roland - ang gusto lang nya ay sana makauwi sya sa probinsya para makasama ang kanyang pamilya na matagal na nyang hindi nakikita at nang sa ganun din nman ay makapagsimula sila ng panibagong buhay. Dahil sa mabuting hangarin ni Bong ay may mga taong nais na tumulong.. dininig ng Diyos ang kanyang panalangin na matulungan si mang roland na makabili ng tiket pauwi ng Roxas City.

Isang pinay na nagtratrabaho sa DUbai ang nakabasa at nagpadala ng 1,000 pesos na sapat na pambili ng ticket at isa nmang kabayan sa USA ang nagpadala ng 400 pesos para sa pocket money ni mang roland. August 21, 2008 ilang araw lang nag nakakalipas ay nakabili na ng ticket si mang roland at sa wakas ay makakasama na nya ang kanyang pamilya. hindi daw nya lubos akalain na may tutulong nga talga sa kanya na makauwi sa probinsya. :)

Happy ending diba? It's good to see people who will remind us na hindi nman nawawala ang kabutihan sa mundo. Madami pa rin ang natitirang tao na handang tumulong sa kapwa na walang inaantay na kapalit. Sana maging inspirasyon sa lahat ang kwentong ito.

Ngayon, malang ay masaya na si mang roland sa piling ng knyang asawa at mga anak... at katulad ng bilin ng isa sa mga tumulong sa kanya na sana " IPASA NYA SA IBA ANG KABUTIHANG NATANGGAP NYA SA KAHIT NA ANONG URI NG PARAAN.." ay wag nyang kalilimutan... at sigurado ako na ang mga taong tumulong sa kanya ay lubos din ngayon ang kanilang kasiyahan. Salamat sayo kuya Bong sa pagiging isang instrumento. Saludo po ako sayo.

God is good.. all the time!!!

Eto po ang buong kwento from kuya bong's multiply site: http://davzon.multiply.com/journal

Pasado alas otso ng dumating ako sa Binondo, hindi pa ko pumapara natanaw ko na si 'mang Roland' sa lugar na una namin pinag kakitaan . nang matanaw n'ya ko tumayo agad s'ya malayo pa napansin ko na masaya si mang Roland...(noong una ko siyang nakaharap kahit isang sigundo hindi ko siya nakitang ngumiti e);sinalubong nya ko na parang nahihiya sya...'ano mang Roland gusto mo na ba umuwi talaga?'tanong ko, kumamot siya sa ulo na nakangiti pa rin 'oo sana' sagot ni mang Roland.'gusto ko kasing subukin muna s'ya.' 'antay antay muna tayo kulang pa kasi pera natin,me inaantay pa kong text.'naupo muna kami sabi ko; asan yun paninda mo? 'hindi na ko bumili kahapon pa ng paninda baka kako kasi makauwi na ko ngayon' napansin ko rin na me dala syang maliit na plastic bag siguro me laman na dalawang pirasong t-shirt .tinanong ko kung nag almusal na siya ngumiti lang , binigyan ko ng pera, sabi ko kumain ka muna. pero binalik n'ya yun iba sabi pang kape lang daw ok na, sabi ko magkanin ka na,'kape't tinapay na lang' tanggi n'ya. marami siyang na kwento sa kin habang nagka-kape si mang Roland, itinuro di n nya yun isang mamang malapit sa min ingat daw ako do'n kasi isnatcher saka holdaper.itinuro din n'ya yun isang vendor na me malungkot din na istorya; marami pa s'yang naikwento...ilang politiko na nangako sa kanya na pauuwin sya sa probinsya,kotong cops,mabait na cops..tapos sabi n'ya, 'magkano ba kulang?gustong gusto ko na kasing umuwi.' tumingin ako sa kanya 'tayo na' sabi ko.'ikaw' sabi n'ya(lalong ngumiti).tumayo ako at inabot ko sa kanya ang ilang pirasong damit na dala ko na naka paper bag.'maaga pa kasi kanina maiinip lang tayo do'n sabi ko.pinadala ko na sa kanya yun paper bag sabi ko isama narin n'ya yun dala n'ya ang bilis lumakad ni mang Roland... sa bandang divisoria kami dumaan me shortcut daw don sabi n'ya . nang mapadaan kami sa nag titinda ng mansanas huminto siya 'bili ko lang dalawang pirasong mansanas anak ko' sabi nya . sa isip-isip ko 'mang Roland wag mo kong paiyakin mababa ang luha ko! 'e itong pera bili mo na rin na ilang pirasong damit ang mga anak mo me nag papabigay nyan sa inyo' 'hindi ko alam kung gaano na kalaki ang mga bata kapapanganak lang ng bunso ko na huli ko s'yang nakita,tatlong taon na" 'ilang pirasong mansanas dalawang mumurahin manyika sa bangketa at isang latang biscuit ang pasalubong ni mang Roland sa pamilya.'at hiniling ni mang Roland na me gusto muna s'yang daanan na tao; magpapaalam lang daw sya...isang matandang babae na me karinderya ang pinuntahan namin.'ano uuwi ka na ba, tuloy ba, nakita mo ba yun kausap mo?' sunod-sunod na tanong ng matanda.'sya po yun kausap ko' tiningnan ako ng matanda at sabi 'mabait na bata yan.'ngumiti na lang ako... tumuloy na kami sa paglakad halos patakbo na sa bilis ang mga habang namin nasa hulihan lang ako; at nang sasakay na kami sa dyip nag ring ang cell phone ko 'hello oo ako nga aaa...talaga thank you very much miss pakisabi sa Boss mo salamat ee-mail ko rin si kabayan para mag pasalamat.'isang kababayan natin na nasa amerika ang nag padala pang pocket money ke mang Roland ng PHP400 ! thru RCIP. una galing Dubai sa isang pinay na ayaw din pabanggit pangalan na sumagot ng pasahe ni mang Roland! pag dating namin pinapila ko agad si mang Roland napansin ko na nanginginig pa ang kamay nya habang nag fill-up ng form.pasado alas onse na yon naupo muna kami ni mang Roland."ikaw na ang bahalang mag pasalamat sa kanila brod sabihin mo maagang pamasko to sa min ng pamilya ko."medyo na mumula ang mata ni mang Roland habang sinasabi nya sa kin'hindi naman sila naghahanap ng kapalit ang sabi lang nung nagbigay ng pambili ng ticket na ipagsabi nyo raw na "ME MABABAIT PANG TAO SA MUNDO NA HANDANG TUMULONG SA KAPWA" sabi pa nya 'hindi raw sya makapaniwalang ganoon kabilis ang pangyayari dahil nagsawa na raw siya sa pangako.'ang totoo daw noung una ko raw sya nakausap hindi naman daw s'ya umasa.pero nun bumalik daw ako at sinabi kong me kababayan gustong tumulong sa kanya hindi na raw sya nag kakatulog.alas dose medya ng tanghali pinasakay na sa barko si mang Roland kasama ang ilang pasahero...nakita ko ang masaya at maaliwalas na mukha ni mang Roland, sabik na sabik sa pamilya.medyo naging emosyonal pa nga siya ng pasakay na, biniro ko lang; "sakay na mang Roland pag naiwan ka n'ya mahaba-habang languyan yan" tumalikod na ko palabas ng pier,'super init'pero masaya ako para ke mang Roland at sa dalawa natin kababayan... na tahimik lang sakanilang pag tulong sa kapwa... pag palain kayo ng DIYOS; sana sa lahi n'yo manggaling ang mga susunod na mamumuno sa atin bansa SALAMAT !

2 comments:

domjullian said...

pa repost please jen.

kisapmata said...

sure!!!

hope it could also inspire other readers. :D