Sunday, May 10, 2009

KIDLAT at your service

Ilang buwan na lang lalabas na ang first baby naming mag-asawa. Hanggang ngayun hindi pa rin namin napagkakasunduan kung anong magiging pangalan ng baby. Nung dalaga ako, may listahan ako ng mga english names like Red, Reign, Ashley, Kent, Clyde, Rigel, etc. At ngayun nga na magagamit ko na yung listahan ko hindi pa rin pala madaling pumili. Hindi ko alam kung ginagawa lang bang komplikado ng tao ang simpleng pagbibigay ng pangalan sa mga magiging anak nito. Hay.

Naisip nyo na ba kung masyadong makabayan ang mga magulang mo, ano kaya ang pangalan mo? Sa hindi ko malamang dahilan, nabighani ako sa pangalang MAYUMI kung babae ang magiging anak ko. At sa lalong hindi ko malamang dahilan ay ipapangalan ng asawa ko ang KIDLAT sa magiging anak naming lalaki. Hindi ko talaga kayang pakinggan.. para kasing tunog leader ng isang noturyus na gang ang pangalan ng magiging anak ko.
Parang bagay kasi ang pangalang KIDLAT sa mga ganitong eksena:

PULIS: Hoy sino leader ng grupo nyo?

BATA / BINATA /MATANDA: si KIDLAT po!

Diba?

Sabi naman ng iba unique daw at artistic ang dating. Astig nga daw sabi ng asawa ko. Bakit di na lang kaya nya gawing LANDAS ( daan) o kaya naman BAGWIS diba? Mas cute pa o kaya naman MALAYA? Kung palayaw parang ok lang naman.. pero kung yun na mismo ang pangalan parang may mali. Parang marami naman sanang pag-pipilian pero mauuwi lang sa.. kidlat? Ewan ko ba sa asawa ko, gusto kasi nya ipartner sa knya ang magiging pangalan ng anak ko – KULOG kasi ang tawag sa kanya pero tukso yun at hindi pangalan. So meaning, hindi na nya papahirapan na bigyan ng chance makapag-isip ang mga kalaro ng anak ko ng itatawag or itutukso sa knya dahil mismong pangalan na nya yun, diba? Ang sabi ko nga bakit di na lang Castor Troy or Sean Archer ( characters sa FACE OFF) ang ipangalan sa anak ko, ayaw naman nya corny daw (obvious ba na fav movie ko yun?). ARRgghh.. wala talaga kaming mapagkasunduan dahil nakatanim na utak nya na KIDLAT ang pangalan ng anak ko. FINAL na at di na pwedeng baguhin. Sana nga lang lumaki sya na katulad ni Kidlat Tahimik na isang ginagalang at respetadong pangalan sa loob at labas ng bansa.

At dahil na rin sa KIDLAT na yan, naisipan ko mag-google ng mga tagalog na pangalan. Eto ang ilan sa mga nakita ko :

AMIHAN - from the Philippine name of a winter wind
BAGWIS - long wing feather
BAYANI - hero
BIENVENIDO - welcome
BITUIN – star
DAKILA – big, great
DALISAY – pure
DATU – chieftain
DIWATA – goddess
HABAGAT
HONESTO – honest
KIDLAT – lightning
LIBERATO – liberated
LIGAYA – happiness
LIWAYWAY – the dawn
LUALHATI – spiritual peace
LUNINGNING – the brilliance, the brightness
MAGTANGGOL – to defend
MAHAL – love
MAKISIG
MALAYA – free, independent
MANINGNING
MARIKIT – pretty
MARILAG – beautiful
MAYUMI – modest
MIRASOL – sunflower
ROSITO – beautiful rose
SINAGTALA
SINAGHARI
TALA – bright star

Sobrang dami nyan pero yan lang ang pinili ko. Bahala na kung ano ang ipapangalan ko sa anak ko.. tutal hindi naman batayan ang pagkatao ng isang tao sa pangalan na meron sya. Kahit pa Genobeba o Pedrito o Cordapio ang pangalan nya kung lalaki naman sya na mabuting tao, sigurado ako na mabango pa rin ang pangalan nya para sa nagbabantay sa taas na balang araw ay huhusga sa kung anong ginawa nya sa buhay nya.

No comments: