Friday, September 11, 2009

bumabagyong problema

kasabay ng pagbuhos ng ulan ang mga problema na parang walang katapusan.
minsan nga iniisip ko na kawawa nman yung anak ko.. baka paglabas nito puro wrinkles na.
minsan parang gusto na rin sumuko ng utak ko pag nagiisip ako.
minsan parang ayoko na rin mag-isip.
ang hirap ng ganito..

hirap..

hirap..

kung pwede lang sana..

Sunday, September 6, 2009

meeting my cyber friends

August 28,2009.

kahit na umuulan di pa rin ako nagpaawat. ayan ang buntis na lakwatsera nakarating ng exhibit. finally na-meet ko rin sina kuya ricks, gracey, uma and ting. =) yipee.

shy lang ako kc naman..ang lapad ko na... im super duper big. heheh at ako lang ang buntis dun.

congrats uma, gracey and ting! :)

Sunday, August 30, 2009

no more chocolates!

Super diet n ko ngayun as in.. sabi ng OB ko mataas daw ang sugar ko kaya dapat imonitor.

tsk.. anlapad ko na talaga ngayun. minamanas n rin ako.. pero ok lang.. one more month to go and lalabas na rin si baby.

can't wait.

Monday, August 10, 2009

see u pinas!

4 days n lang..

see you pinas! =)

Thursday, August 6, 2009

1 more week

isang linggo n lang..

makakatapak na nman ako sa pinas. makikita ko na lahat ng mamimiss ko at makakakain ko na lahat ng gusto kong kainin yipee... *_^

pero marami pa rin akong worries.

may mga naiwan pa kong problem dito sa dubai.

sana lang maging maayos ang lahat.

sabi nga ng pogi kong asawa "kapit lang kidlat.. at nasisilip ko na si pag-asa"

- salamat pa rin Panginoon sa lahat.

Sunday, July 26, 2009

happitots! :)

masaya ang buhay.. masaya mabuhay!

kahit na anong problema.. bagyo kung anu pa man.. smile pa rin.

Life must go on.. anjan naman si God.. =)

Go lng ng go.. Fight lang ng fight.

Hindi dapat ako nalulungkot at nagpapapekto sa mga simpleng bagay lang..

I should not make my life complicated.

at di ko dapat sinisisi sa internet ang kung anu mang inis at bad trip ko sa buhay.

happitots na lang palague.. :)

miss ko na ang noon

"san ang lakad mo mamaya.. sama k na lang, inom tayo sa cuba.."

nakakamiss din pala talaga ang noon. paminsan-minsan hinahanap hanap ko rin ang pag-uwi ng late, ang paglagok ng malamig na beer habang sa isang kamay may sinding yosi. ilang taon ko na rin palang di nagagawa ang sumampa sa gate 'pag sinasaraduhan na ako ni mama.

nakakamiss din pala ang magpuyat at karamay ang red horse habang may malakas na sounds at walang katapusang kwentuhan sa gym.

nakakamiss din pala yung after work.. mag-iisip kung san pupunta at kung kaninong tropa sasama. Pagkatapos nang isang session, papasunurin ka ng isang set of friends mo pa para dun ka nman tumambay.

nakakamiss din pala yung wala kang iniintindi sa buhay mo kundi magtrabaho, magbigay ng sahod sa magulang mo at gumimik kasama ang mga kaibigan mo.

nakakamiss din pala maging "easy-go-lucky"..

nakakamiss din yung walang pressure.. yung di nageexpect.. yung walang inaasahang reward sa mga ginagawa mo.. nakakamiss din yung wala masyadong love in the air.. di nag-uumapaw ang pagmamahal mo sa isang tao.. di ka magwoworry na masaktan kasi wala ka namang lavlife...wala kang iniintindi kundi sarili mo lang..

walang future.. puro present lang.

nakakamiss din pala yung magulo at balibalikong, walang focus na buhay..

paminsan-minsan.. nakakamiss din pala ang noon.. nakakamiss din pala yung ako nung unang panahon.

bahala na si batman

ang gulo ng utak..

ang gulo ng puso..

langya naman talaga.. ba't ba kelangang danasin ko to?

ng paulit-ulit??

ano ba kasalanan ko???

negative na ko sobra.

di ko alam kung may kapupuntahan pa..

bahala na si batman

Saturday, July 25, 2009

ba't di nauubos ang sorry?

nakakalungkot lang.. kapag nasaktan ka pero patuloy pa rin na nagmamahal, magpapatawad ka at pipiliing lumimot na lang. magbibigay ng isa pang pagkakataon.. susubukang ibalik ang tiwalang nawala..

.. pero habang di ka pa tuluyang nakakalimot sa anino ng kahapon.. habang binubuo mu pa lang ang tiwalang nawala.. masasaktan ka ulit.

...ulit.

...ulit.

parang bumalik lang din sa simula.. tas kakapain mu yung sarili mo kung immune ka na ba sa sakit. kung tatanggapin na naman ba ng lahat ng organ mo ang salitang "sorry" o papasok lang sya sa tenga mo at dun na lang hihinto? at pagkatapos.. period.

ba't ba di natututo ang tao? ba't ba di nadadala? san ba nagiging mahirap gawin ang "respeto"?
ba't ba kelangang ulit-ulitin?

ngayun natatakot ako.. hindi sa masaktan ng paulit-ulit. natatakot ako na baka isang araw magising na lang ako na wala na kong maramdaman... na baka isang umaga ako na ang madala.. at hindi sya. baka ako na ang matuto.. na dapat sya.

pano na pag di na ko nakakapit pa? pano na pag di na kayang tanggapin ng mga organ ko ang salitang sorry? pano na kung kahit ang tenga ko.. isuka na ang salitang yun?

o siguro ganun lang talaga? isa na lang cycle ang lahat.. lifetime cycle? at dapat ko na lang tanggapin.. "deal with it".. "live with it".. sa madaling salita. napapatanong tuloy ako.. ba't di ba nauubos ang salitang "sorry", andaling sabihin.. "sorry". pag nasaktan ka - sorry lang ang katapat at pagkatapos nun "iloveyou" na ang kasunod.. at pagkatapos.. "iloveyoutoo" na.. at pagkatapos nun.. masasaktan ka ulit.. tas "sorry".. tas.. ewan.

..

sorry.. sensya na..

Friday, July 24, 2009

walang kadala-dala

history repeat itself..

ganun na nga,

ang mga nangyari na akala ko di na mauulit..

naulit na naman.. :(