Sunday, July 26, 2009

miss ko na ang noon

"san ang lakad mo mamaya.. sama k na lang, inom tayo sa cuba.."

nakakamiss din pala talaga ang noon. paminsan-minsan hinahanap hanap ko rin ang pag-uwi ng late, ang paglagok ng malamig na beer habang sa isang kamay may sinding yosi. ilang taon ko na rin palang di nagagawa ang sumampa sa gate 'pag sinasaraduhan na ako ni mama.

nakakamiss din pala ang magpuyat at karamay ang red horse habang may malakas na sounds at walang katapusang kwentuhan sa gym.

nakakamiss din pala yung after work.. mag-iisip kung san pupunta at kung kaninong tropa sasama. Pagkatapos nang isang session, papasunurin ka ng isang set of friends mo pa para dun ka nman tumambay.

nakakamiss din pala yung wala kang iniintindi sa buhay mo kundi magtrabaho, magbigay ng sahod sa magulang mo at gumimik kasama ang mga kaibigan mo.

nakakamiss din pala maging "easy-go-lucky"..

nakakamiss din yung walang pressure.. yung di nageexpect.. yung walang inaasahang reward sa mga ginagawa mo.. nakakamiss din yung wala masyadong love in the air.. di nag-uumapaw ang pagmamahal mo sa isang tao.. di ka magwoworry na masaktan kasi wala ka namang lavlife...wala kang iniintindi kundi sarili mo lang..

walang future.. puro present lang.

nakakamiss din pala yung magulo at balibalikong, walang focus na buhay..

paminsan-minsan.. nakakamiss din pala ang noon.. nakakamiss din pala yung ako nung unang panahon.

No comments: