super bitin ang 3 days na walang pasok.
nakakatamad na talaga..
pero less than a month.. uuwi n rin ako ng pinas.
time for my vacation. :) yipee!
pero marami pa rin akong concern.. dami pa ring iniisip.
kaya ba ni mister na mag-isa at walang nag-aasikaso sa knya
di ko maimagine kung pano sya tuwing morning
sino magtitimpla ng kape / milo nya sa umaga?
pupusta pa ko tatamarin na yun.
sino maghahanda ng baon nya? naku baka di na yun magtanghalian!
baka mamaya magpuyat lang yun ng magpuyat everyday kakalaro ng xbox at kakasurf sa net.
makaktulog kaya sya ng mahimbing ng di na ko katabi sa kama?
eh ako kaya? makakatulog kaya ako ng di sya katabi?
first time lang namin magkakahiwalay eh.
pupunta kaya sya ng Naif para mghanap ng chicks?
magjowa kaya sya ng sugar mommy habang wala ako? (nabanggit ni mahal nung isang gabi)
babalik pa kaya ako ng dubai?
kaya ko pa kayang bumalik at iwan si baby?
mag-yes na kaya ako sa mga plano ni hubby??
anu ba?
san ba? kelan ba?
hanggang kelan ba ang krisis??
sana matapos na.
ngayun nakakaramdam kami ng krisis
mga pagsubok sa buhay mag-asawa
decision making problems
buti pa ang math may formula!
pero sa totoo lang.. kinakapa ko ang sarili ko
yes.. namromroblema ako / kami ngayun.
pero hindi pa todo.. andami ko pang lakas na nakaimbak sa utak at katawan ko
kung minsan natatawa ako pag naiisip ko 'tong mga problema na to.
pag gumagalaw ang anak ko sa tyan ko, literally and figuratively nawawala ang problema ko
at nakakalimot ako sa krisis na to.
kaya pa..
sisiw lang to.. piece of cake kumbaga..
papanisin namin to..
'eto ang mga panahon na di dapat pinanghihinaan ng loob
laban lang.
kapit lang.
manalig lang
matatapos din ang KRISIS
magkakaron din ng solusyon ang mga problema..
..haaayyzz back to work
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment