Saturday, July 25, 2009

ba't di nauubos ang sorry?

nakakalungkot lang.. kapag nasaktan ka pero patuloy pa rin na nagmamahal, magpapatawad ka at pipiliing lumimot na lang. magbibigay ng isa pang pagkakataon.. susubukang ibalik ang tiwalang nawala..

.. pero habang di ka pa tuluyang nakakalimot sa anino ng kahapon.. habang binubuo mu pa lang ang tiwalang nawala.. masasaktan ka ulit.

...ulit.

...ulit.

parang bumalik lang din sa simula.. tas kakapain mu yung sarili mo kung immune ka na ba sa sakit. kung tatanggapin na naman ba ng lahat ng organ mo ang salitang "sorry" o papasok lang sya sa tenga mo at dun na lang hihinto? at pagkatapos.. period.

ba't ba di natututo ang tao? ba't ba di nadadala? san ba nagiging mahirap gawin ang "respeto"?
ba't ba kelangang ulit-ulitin?

ngayun natatakot ako.. hindi sa masaktan ng paulit-ulit. natatakot ako na baka isang araw magising na lang ako na wala na kong maramdaman... na baka isang umaga ako na ang madala.. at hindi sya. baka ako na ang matuto.. na dapat sya.

pano na pag di na ko nakakapit pa? pano na pag di na kayang tanggapin ng mga organ ko ang salitang sorry? pano na kung kahit ang tenga ko.. isuka na ang salitang yun?

o siguro ganun lang talaga? isa na lang cycle ang lahat.. lifetime cycle? at dapat ko na lang tanggapin.. "deal with it".. "live with it".. sa madaling salita. napapatanong tuloy ako.. ba't di ba nauubos ang salitang "sorry", andaling sabihin.. "sorry". pag nasaktan ka - sorry lang ang katapat at pagkatapos nun "iloveyou" na ang kasunod.. at pagkatapos.. "iloveyoutoo" na.. at pagkatapos nun.. masasaktan ka ulit.. tas "sorry".. tas.. ewan.

..

sorry.. sensya na..

No comments: