Kadalasan mo maririnig na itinatanong kung alin ba ang nauna..itlog o manok? Pero ang nanay ko iba ang naitanong..
Sa isang ordinaryong Juan dela Cruz na naninirahan sa Maynila kadalasang partner sa kanin ang instant noodles, mga delata, o kaya nman itlog- at kabilang kami dun.
Nung college ako hinding hindi ko makakalimutan kung paano nagtitipid ang nanay ko at kung paano nya napagbubudget ang monthly salary ng tatay ko na isang security guard. Kasama na dun ang pagtitipid sa pagkain at iba’t ibang expenses sa skul at sa bahay. Ang isang sachet ng shampoo ay ipinagkakasya namin sa apat na ulo..at kung anu ano pa.
Minsan, pag-uwi ko galing sa skul tumambay muna ako sa labas ng bahay kasama ang nanay ko at ang iba pa naming kapitbahay..
Sa kalagitnaan ng isang masarap na kwentuhan, sumingit ang younger sister ko na 1st year college na din that time.
“mama…pahingi ng pambili ng shampoo…” sabi ni utol. Binigyan sya ni Mama ng 5 pesos pambili ng shampoo…“mama, anong ulam?”
“mag-itlog ka na lang..”
“pahinging pambili..” sabi ni utol…
At dahil yun na ang last money nanay ko ang nasabi n lang nya..
“ano ba gusto mo? Shampoo o itlog?”
At dahil naintindihan na rin naman nya kung anong ibig sabihin ng nanay ko..ang nasabi na lang nya “syempre itlog!” dahil kung magkashampoo man sya wala naman syang ulam..
Nagpahabol pa ang nanay ko ng “bumili ka na hati tayo ha?!”
“huh?! Eh sa isang itlog pa lang hindi na ko titingahan eh…hati pa tayo...?”
Isang masayang usapan kung saan nakitawa pati ang mga kapitbahay namin sa kalye..
Pero ako after nun…
Sinabi ko sa sarili ko na baling araw…hindi na mauulit na papapiliin kami ng nanay ko kung shampoo o itlog.
Nung nasa Pinas ako, after ng sahod ako na ang nagtatanong sa mama ko..
“ma, san mo gustong kumain? Jolibee o Mcdo?”
Sagot ni Mama?
“Sa Max!"
-Aug 8,2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
so.. nakakabili ka na ng shampoo at itlog?! lol
nice one!
hayyy...parang kmi din
http://funtasticbabyshop.blogspot.com/2012/05/aveeno-baby-wash-shampoo-18-fl-oz.html?showComment=1404798274599#c1925015594476591544
Post a Comment