Monday, October 13, 2008

random thoughts: DYENA Construction Company

Random Thoughts
_ _ _ _ _ _ __ _ _ _ _ _ _ _ _

coincidence really happens!

workin at the same time talking to hubby over the phone when one of the senior managers gave me two envelopes to be send to clients..

one is Dubai Contracting Company and the other one is..

Dyena Construction Company in AUH.

hahha napasyet ako bigla!

Sir ziggie and mister were askin me.. "bakit? anong meron?! "

and i replied.. sir meron ba talgang ganitong company?! hahha

then i received a call again from one of Indian sect in our FAS office..

"hello.. gena my dear.."

then i said.. "Vivian... it's jenny.."i can't help but to smile thinkin about how our names are really sounds like.. =)

---------------------------------------------------------------------------------

wonder why she's claiming nagsesend ako ng letters sa knya everyday.. heheh. dami pala ng 2 letters? yup.. i sent her two e-mails on her outlook, yahoo mail, and same letter in multiply..wala din naman akong sinabing masama... oh well.. nagalit ata sya sa emails ko.

may sinulat kaya akong masama?

hhhhmm i wrote a letter to inform her that i already knew everything.,, that someone confessed everything that happened between them... na nabasa ko lahat ng palitan nila ng emails.. na sinasabi nya na preggy sya, na alam ko na rin ang kanilang sleepless nights, that she even gave him access to her email..at kung anu ano pa.. yun lang... rude ba ko?

i asked her asan na ang values nya. how it feels to be a mistress? ginawa ba nya yun because of love? na sana pwede nman sya umiwas knowing he is a married man..

in the end of the letter i even said i dont want to judge you.. dahil i know nagawa mu lang yun dahil sa luv..and i know u are not a bad person. na naiintindihan pa rin kita..na nabulag ka lang sa sobrang pag-ibig.. thai i still wish u well.. that i can always give u a warm smile pag nagkita tayo sa pinas.. na sana mawala na satin ang hapdi at kirot..

those are words coming from a wife.. now tell me bad ba ko? =(

u deserve to be happy and sorry.. hindi ka nmin ginugulo.

--------------------------------------------------------------------------

i've been thinking about how i almost died last week..

and now im on my highest energy of planning about church wedding..

para lang akong sumasakay ng roller coaster at katabi ko lang sa ride si Papa God.

He's holding my hand..and will never leave me.

--------------------------------------------------------------------------

everything happens for a reason.

sa unang letter ko sa kanya i told her.. "cguro pinaglalaruan tayo ng pag-ibig at ng buhay..kelangan cguro mangyari ang lahat ng to para mabuo ang kwento ng mga buhay natin.."

ngayon ko naisip ang bait kong asawa to write such kind words para sa isang taong nakasakit sakin. =)

LET US ALL BE HAPPY - my last words sa letter.. and i mean it..

pisawt!

Thursday, October 9, 2008

tryin to be ok is like killin myself

im ok. yes im tryin to feel better everyday. bad trip lang dahil ang utak ko minsan ayaw tumigil.. ang dibdib ko minsan ayaw huminto.. naninikip n lang bigla everytime nagrerewind sa utak ko lahat. minsan sinasadya ko talagang patayin ang sarili ko sa pagbabasa ng mga bagay na unti unting pumapatay sakin.



i feel like dying with every word na binabasa ko. . .

minsan napapaisip ko.. pag sobrang luv ang ibinigay mu sa isang tao.. bakit ka nya susuklian ng sakit?

ba't hindi na lang pagmamahal din?

syet minsan ang luv.. :(

Tuesday, September 23, 2008

ang bayan kong nililipas

ang bayan kong nililipas?

Kamusta ka na ba, Noypi? Buhay ka pa ba? Ano na ang nangyayari sa ‘yo???

Kamusta na nga ba ang bayan natin?... kamusta na rin ang mga pinoy? Humihinga pa ba tayo? Gusto ko ng itanong ito ng diretsahan…

MAHAL PA BA NG PINOY ANG KANYANG BANSANG PINAS?

Nagtatrabaho ako ngayon bilang isang titser… sa araw-araw na buhay ko’t pakikisalamuha sa mga estudyante, masasabi kong marami akong natututunan, ‘di lang tungkol sa Pinoy.. pero tungkol din sa mga Kuryano.. English and grammar teacher ako ngyon sa isang eskwelahan ng mga Kuryano.. nais ko sanang magsilbi bilang isang guro sa isang public high school, pero di naman aarok dahil wala naman akong units sa education, at hindi naman ako LET passer.. iba ang kurso ko, pero gusto ko pang mag-aral sa susunod na taon.. kaya habang wala pa namang ginagawa, trabaho muna..

Hindi lang ang mga estudyante ko ang natututo sa bawat session ng pag-aaral namin.. marahil, hindi nila alam na marami rin akong napupulot mula sa kanila.. masaya ring makihalo-bilo sa ibang kultura.. ibang experience…

mga edad 20-26 ang range ng mga estudyante ko.. bata pa rin naman sila hindi ba… pero mas bata nga lang ako.. minsan ayokong sabihin kung ilang taon na ko, kase baka ma-intimidate sila.. eh kaso tintanong pa rin nila.. oh well..

sa isang session namin, may binahagi ako sa kanilang essay na nakuha ko mula sa e-mail.. binigay ng nanay ko.. isinulat ito ng isang kabataan mula sa Korea, at patungkol ito sa bayan nila—mula sa paghihirap nila, hanggang sa pagbangon..

dati pala, naging mahirap ang bansang ito dahil sa gera.. dumating ang puntong nainggit sila sa Pinas dahil nung panahong iyon, MAYAMAN tayo.. SAGANA tsong.. gusto nilang maging kasing yaman natin.. marahil ito ay iyong panahon ni macoy..

pero ano nang nangyari? Sa tingin mo, sa panahong ngayon, nanaisin pa ba nilang magingkatulad ng bansa natin?--à SA MALAMANG, DEHINS.

mayaman na at maunlad ang bansa nila ngayon.. bakit sila nagkaganun?... ito ay dahil sa mga TAO ng bansa nila.. dahil sa mga Kuryano.. mahal kasi nila ang Korea.. nag-sakripisyo silang magtrabaho sa ibang bansa noong mga panahong iyon.. okey daw ang ganung technique sabi ng isang estudyante ko dahil nagkakaroon ng pagkakataong makilala ang mga Kuryano sa ibang bansa.. mahal nila ang kapwa-Kuryano.. hindi katulad ng pinoy, minsan, gugulangan ka pa..

kahit yung mga estudyante kong kabataan, pinaglalaban nila ang Korea.. pinagmamalaki nila ito at sinasabi nilang mahal nila ang Korea…

e pano naman tayong mga Noypi? Oo nga’t nagtatrabaho tayo sa ibang bansa, pero iligal naman.. tska minsan underemployed tayo.. yung mga college graduates, they sometimes end up being domestic helpers.. sayang naman ang edukasyon naten.. maybe it’s about time to showcase what the Filipinos got.. time to shine na.. madalas, ang mga pinoy, once na makaapak na sa ibang bayan, nagtatago na roon at hindi na muling bumabalik sa pinas.. tuluyan ng iniwan ang bansang kinagisnan.. hindi naman masamang mag-isip ng sariling kapakanan, diba? Wag nga lang sana nating kalimutan kung san tayo nanggaling…

IKAW, noypi… kelan ka ba magagamit ng PINAS? Kelan niya ba mararamdaman ang pagsisilbing nararapat para sa kanya? Kelan mo ba siya pagtutuunan ng pansin? Patuloy ka bang naghihintay ng isang tagapagligtas ng Pilipinas? Ang hinaharap ay nasa iyong mga kamay.. huwag ka ng maghintay ng agimat diyan.. hindi iyon ang kelangan mo.. naten..

--> Tinatawagan ko ang lahat ng kabataang nagmamahal sa bansa.. mag-aral tayong mabuti at magsikap para sa ating bansa.. huwag nating hahayaang ang ating BAYANG PILIPINAS ay maging isang BAYANG NILILIPAS..
isinulat ni: ALPS http://soakedinfrustration.blogdrive.com/
- nabasa ko to habang naghahanap ng lyrics ng chikiding. Natuwa ako kaya ipopost ko. at the same time napag-isip ulit ako - asan na nga ba ang mga noypi?!

Monday, September 22, 2008

A letter for Miss D. G.

Napanaginipan kita kagabi. Oo ikaw.

Yeah..nakakatawa.. di pa pa tayo nagmemeet sa personal pero lumabas ka na sa panaginip ko. Weird noh?

Siguro kung mababasa mo to.. malamang nakanguso ka ngayon at nakataas ang kilay.

“ y would I dream of you?” , wag mo ko tanungin dahil hindi ko talaga alam.

I know.. sasabihin mo guilty kc ako sa mga bagay-bagay..

Yes.. I am guilty.. of thinking of you sometimes. I can’t help sorry..

Yes.. I am guilty for reading your online diary before.. that was long time ago..sorry for that. But when I promised myself and my husband not open that link anymore.. hindi ko na talaga binuksan. So wala na ko balita sayo..

At first… I just wanted to know new things about you.. kung ok ka na.. kung malungkot ka pa.. kung may new love life ka na..

Minsan pinag-usapan pa naming ni allan na may bago ka ng dinidate.. and we’re happy to know that. Sabi pa nya mukha ka daw kinikilig sa picture..

Hay..Siraulo ba ko na magwish ng maganda sayo.?

I want to read happy thoughts sa blog mo… gusto ko makabasa na ok ka na.. and I promised myself na hindi na kita bibisitahin pa.

And then..i think it became an addiction. Peace!

Ok.. aaminin ko..minsan na rin kami nagtalo ng asawa ko dahil sa isang post dun. Oh well, that made me realized na hindi ko na dapat pa binabasa yung mga pinagsusulat mo.

Till, one morning naclick ko na nman ang link ng blog mo… at nabasa ko ang latest post mo bout your trip in tagaytay… I wrote something din sa blog ko bout sa pagiging katulong. Remember?

Hindi ko yun sinulat because of you.. sinulat ko yun dahil sa nabasa ko.. isinulat ko lang ang opinion ko about what you have written. Well I guess, sumama ang loob mo.. allan told me about your e-mail. Sorry if nasaktan ka.

After that hindi ko na yun binasa pa.

Hindi ko na dinalaw.

That’s yours.. at importante sayo yun I know.

Siguro napanaginipan kita for me to admit things like this.

And to say sorry kung nabulabog ko ang privacy mo before.

Ewan ko lang kung mababasa mo to.. hindi ko rin sure kung gusto mo to basahin. Gusto ko lang to isulat.. kahit imposibleng mabasa mo.

- BE HAPPY! smile naman jan! ;)

faces of Atari : Photos by Misis






Sunday, September 21, 2008

MISIS : Photos by mister

after food tripping punta naman sa park para magkwentuhan maglakadlakad.. at magpicture! ;p











learning new things

yesterday, tinuruan ako ni hubby magphotoshop. ahai.. im willing to learn! hahah..

sabi k obalang araw mas gagaling pa ko kesa kay manong.

antay ka lang.. ;p

wanna learn to use that wacom tablet also.. ;p

it's good to learn new things!

hhaha artist na ko! ;p (patawa!)

LBM

Bad trip pag nasa kalagitnaan ka ng pag-uukay
at biglang sumakit ang tyan mo..

hindi ka tuloy makapagukay ng maayos.

sayang..

at pagkatapos pagpapawisan ka ng malamig..

at wala ka ng choice kundi ayain mo na ang kasama mo na umuwi na rin..

kahit na nasa kalagitnaan pa sya ng pamimili!

wrong timing.. hhaha kainis.

Thursday, September 18, 2008

viewing accounts

kwentuhan pag-uwi sa bahay.

manong: mahal.. lamu ba may coomon friend kami ni *&*@@+?

manang: saan? sa friendster?

manong: hindi sa multiply...

manang: ngerks.. haha ngayon mu lang nalaman? c gracey nga diba sabi ko sayo bago mu i-add friend sila.

manong: hindi nman sya.. yung team wacom.

manang: ahhh.. pano mu nalaman?

manong: nakita ko sa contacts.. pagkakita ko ng picture nya sabi ko parang kilala ko to.. sya pala yun. ayun.. nagkamali ako eh.. napindot ko!

manang: hala ka.. naview mu yung account nya?

manong: hehhe nung nagloload na nacancel ko kagad! pero for sure lalabas dun naview ko sya..

manang: hahha parang ako pala the other day.. nagkamali ako ng click. yung link nya naclick ko. .di ko nman sadya :(

manong : yaan mu na..

....

ayun.. at pagkatapos nun wrestling na kagad! ahhaah syet may nahuli na namang bagong pang-atake! kainis!

hubby meets JAPAT!

got a txt from hubby:

"Nandito si Japat!!! magiging ofism8 ko sya"

syempre na-shocked ako - parang kagabi lang natuwa ako dahil nagcomment sya sa post ko and then now nagmeet na sila ng idol ko! ;p

hindi ako nakatiis, tinawagan ko sya kagad:

"manong.. sabihin mo sa kanya idol ko sya.. "

hahha parang bata lang.

yun lang! ;p