Thursday, January 22, 2009

a message from an ex

“defense mech.. pero basically we learn new things evryday, it may be learned the easy or the hard way, but in whatever way it is, at the end of the day, waht matters is that we learned..

normal lang yun.. trial and error..

parang shampoo, kapag hindi ka hiyang, siyampre iba ang kukunin mo..

wla rin ako sinisisi through those times, it was nice that nakilala kita in the course of my life.. and we are free to choose who we really want, is really a matter of finding the right pair.. see, you got right pair..”


- tsong

i thought hindi sya pupunta.. but i saw him at the church waving and smiling at me. hindi pa rin sya nagbago.. he's still the same. after all.. magkaibigan pa rin kami kahit hindi naging maganda ang ending ng relationship namin.. nothing's change. heheh and he's got new girl na rin.. good for him. the girl is really lucky to have him coz he's one of a kind. i remember him being so sweet to me.. baking brownies for me.. he brings extra jacket sa movie house for me.. and always brings chocolates and presents for me. hehhe.. well.. he's the sweet type of a guy.. yung tipong hindi ka lolokohin at mahal na mahal ka.. he came from a wealthy family and he is darn smart too. at super gentleman - never tried to kiss me! i told him i was weak back then.. i felt like i was not the girl he deserves kc di ko kayang pantayan yung binibigay nya sakin.. and feeling ko since maayos at may kaya ang family niya.. feeling ko hindi talaga ako para sa knya.. and so i escaped.

pero matagal na yun.. and we're good friends pa rin.. since we started as friends din nman talaga.

niloloko ko sya lague pag on-line.. " pag doctor ka na ha.. libre na lague yung check up ko sau".
konting tiis na lang doctor na ang kaibigan ko.. at ang dating umibig sakin ng totoo. :)

and i agree with tsong - i got a right pair.

excited!

tonight.. may kadate ako.

he's the sweetest guy on earth..

i still have one hour at uuwi na rin ako..

can't wait.. hhmm.. i'm so excited.

- i'm so lucky to have my manong!

pre-nup pics by japat







at eto ang aming pre-nup pics taken by JAPAT! :)

Friday, January 16, 2009

dec 23, 2008 "i do.. the second time around (our church wedding)

I do.." the second time around.


I remember when we had our civil (secret) wedding.. wala kaming bisita, no preparation, we only asked Ninang Lorna to be our ninang kasi wala kaming witness talaga. We were both wearin jeans..we had our reception at shakeys, sm manila.. kumain lang kami then nagpapicture at pagkatapos umuwi sa bahay.

But our church wedding was really the opposite. Sobrang hirap ng preparation dahil sobrang rush. Nakailang away-bati din kami in discussing our wedding details. Andaming bagay na hindi kami magkasundo.. akala ko nga hindi na matutuloy yung kasal eh. Hindi ko pa alam kung paano ko paiikliin ang dami ng bisita ko dahil sobrang laki talaga ng pamilya ko plus andami ko pang friends.. sumasakit talaga ang ulo ni mister.


Andami pa naming kulang na requirements sa simbahan at ilang araw na lang hindi pa kami nakukumpilan, hindi pa namin napapasa yung questionaire sa San Agustin, hindi pa kami nakaka-attend ng seminar..at higit sa lahat wala pa kaming ID pictures. (This time mas masakit ang ulo ni Ate Beth!)


Ay naku talaga.. bumili lang ako ng shoes the day fore the wedding at si mister ganun din. Yung gown ko pina-adjust ko pa at nakuha ko lang din the day before the wedding. Lahat may barong na yung asawa ko wala pa. Pag inisip ko natatawa talaga ako kasi para lang kaming naglalaro pero nakakapagod.

December 23. Eto na ang Big day…this is it!


Hindi na ko mapakali sa bahay lalo na ng biglang dumilim ang langit... oh noh lahat kami nananalangin na wag naman sana umulan. ITLOG! At bigla namin naalala mag-alay ng itlog.. Nung umulan nag-ring ang phone sa bahay.. si mister.. "ma! nag-alay k ba ng itlog?!" Halatang mas tesnse si mister kesa sakin dahil bumagsak na ang ulan hanggang hapon. Mabuti na lang bago ang oras ng kasal nakisama naman ang langit..medyo umambon bago magstart ng ceremony pero nawala din naman pagkatapos. Siguro blessing lang samin ang ulan sa araw ng aming kasal.



Kinakabahan ako pero alam ko mas kinakabahan ang asawa ko. Pagbaba ko ng kotse.. naiiyak ako pero umurong yung luha ko nung natatapakan ko na yung ilalim ng gown ko.. anytime feeling ko madadapa ako..syet wag sana kasi nakakahiya talaga.. sabi sakin slow down..dahan-dahan pero wala eh.. maton talaga ako..at aaminin ko na nahirapan ako sa gown ko kasi sobrang haba hindi ko na kc pinabawasan. Nung nakita ko na si mister sa kanya na lang ako tumingin... and lahat ng worries ko nawala. I feel like im the most beautiful bride dahil sa pinakamamahal kong asawa na nag-aantay sakin sa altar. Nakita ko yung ngiti niya.. parang nangaasar na nakakaloko na parang anytime hihimatayin sa nerbyos.


Comedy lang nung kiss the bride.. pumalakpak ang asawa ko.. parang first time lang makakakiss.. palakpakan daw kami pero sya ata ang unang pumalakpak.. bakit nga ba mahal?


At ang sumunod ay ang walang katapusang pag-click ng camera.



Reception.



Ang pinapangarap kong reception sa garden ay natupad.. at maganda talaga lahat sa paningin ko.. kung pwede lang magpicture kami sa bawat sulok dun gagawin ko na kahit wala nang program basta magpicture lang kami ni mister. Heheh. Salamat sa Lina Vitan.. job well done talaga.


Yun nga lang hindi talaga kami nakakain dahil maya't maya nagpipicture kami. Wala sana akong pakelam sa picture eh kasi gusto ko talagang kumain.. kaya lang ang asawa ko..pinagalitan ako dahil kain daw ako ng kain nakikita ako sa Video. Sus eh ano naman nagugutom ako! heheh hindi daw kasi ako nakikinig sa mga nagmemessage..



Salamat mahal sa isang napakaespesyal na araw na binigay mo sakin.. I am really proud that you are my husband and I am your wife. Thank you for making me feel so special... Hindi ako magsasawa kahit na ilang beses ako magsabi ng “I DO”.. basta ikaw ang pakakasalan ko ng paulit-ulit… thank you for loving me. Mahal na mahal ka ni misis..


Here's our pic on our civil (secret) wedding:


Tuesday, January 6, 2009

i thought i'll die

first entry for 2009.

i have so much to tell sana.. about what happened on our very short vacation.. on our wedding.. and everything that happened on the year 2008 etc..

but still im too lazy to write..

then something happened kanina while i was at work.. i felt an abnormal beating of my heart (palpitation).. and all i can remember hindi na talaga ako makahinga.

i was scared.. i really thought i'm having heart attack na that time. i was shaking and crying nung nahimasmasan na ko..

nung time na hindi ako makahinga.. i was praying.. "wag po muna pls.. "

- thank YOU Papa God for letting me breath again.. and for taking all the chest pain that i experienced.

welcome 2009!!!

yep..yep... at natapos din ang 2008..

happy new year!!! welcome 2009..

- medyo tamad pa ko magsulat..

Friday, December 5, 2008

pre-nup

enjoy ang pre-nup namin kaninang hapon.

simple lang... pero dahil samin at sa aming astig, mabangis, at sobrang bait na photographer.. magiging isang obra ang aming prenup.

SALAMAT JAPAT GUEVARRA!

excited na ko sa mga pictures!!! =)

crying in the middle of the night..

Last night natripan naming mag-aswa na uminom ng beer. Parang magtropa lang kami.. drinking beer while sound tripping.

Nung madaling araw na.. Nagising ako kc narinig ko umiiyak si Mister.. so ginising ko sya at natulog ako ulit.

MOrning. Sabi nya ang bad ko daw. Know why?

Napanaginipan daw nya ko..pinamimigay sya kay Dyena.. iniwan ko n lang daw sya basta.. at bigla n lang akong nawala.

Nakakatawa naman.. in his dream im giving him up.

Well, siguro kabaliktaran yun.. hindi ko sya ipamimigay.. and i wanna quote tatay benz.. "ipinaglaban mu na sya noon... ipaglaban mu pa rin sya hanggang ngayun.."

Sa mga nangyari samin.. muntikan na kong bumigay.. i almost gave up. Iniisip ko nun kasi kung hindi nya ko mahal at ang mahal talaga nya ay si Dyena..i'll set him free.. para maging masaya sya. Actually, pinalalaya ko na sya nun.. i want him to go back to dyena and leave me. hehhe ayaw naman nya.

Pinili ko maghold on.. and so far hindi na ako umiiyak sa kalagitnaan ng gabi.

At hindi ako nagsisisi.. =)

kasalan ba to?


save the date!

Tuesday, December 2, 2008

Bakit lumobo ng 50 (and counting) ang inaanak ko sa edad na 25?

Sa maniwala man kayo o hindi.. hindi ko talaga lubos maisip kung paano lumobo ang bilang ng aking mga inaanak at umabot sa singkwenta (and counting pa..) sa edad ko na 25. Sa totoo lang napapakamot na lang talaga ako sa ulo pag naglilista ako ng mga pangalan nila - at aaminin ko na ang nililista ko ay pangalan ng mga magulang nila dahil hindi ko makabisado ang mga pangalan nilang lahat... hhmm si BULADO.. yun hindi ko talaga maalimutan ang pangalan ng batang yun dahil sya ang may pinakacute at unique na pangalan sa kanilang lahat.

Nung estudyante pa lang ako lagpas na ng bente ang inaanak ko. Tuwing pasko sumaskit ang ulo ng nanay ko dahil wala syang choice kundi abutan ang mga inaanak ko ng pamasko (cash na malutong). Kung minsan nman ay kinakapalan ko na lang ang mukha ko at sasabihin ko sa inaanak ko na.. "Bless muna sa ninang... babawi na lang si ninang pagnakagraduate na"

Yun! YUn ang aking famous line!

Pag magaanak ako ng binyag or makakatanggap ako ng invitation na ninang daw ako.. sasabihin ng nanay ko.. "tumanggi ka na nga! ang dami mo ng inaanak!" sasagot nman ako ng " mama, swerte yan.. tska bawal daw tumanggi"

Kung saan ko nakuha na swerte daw yun sakin at bawal daw tumangi eh talaga nmang hindi ko na maalala - kamot ulo na lang. Tuwing pasko nagugulat ang mga tita at tito ko dahil mula umaga hanggang gabi may pumupunta sa bahay para magbless sakin. *_*

Nakakatuwa nga pag naglilista ako ng mga inaanak napansin ko na kokonti pa lang dun ang talgang barkada ko.. at isa lang ang ibig sabihin nun.. pag nagkaanak silang lahat n mga kaibigan ko ang ibig sabihin nun madadagdagan pa ng ubod ng rami ang bilang ng mga inaanak ko. heheh goodluck!

Naranasan nyo na ba mag-anak ng binyag ng 3-4 beses sa isang araw? ako naranasan ko na yun at hindi lang isang beses un nangyari. Sa lugar namin sa Tondo usually isinasabay ang binyag sa pasko at pyesta ng sto. nino at sa naaalala ko tuwing pasko at fiesta ay nagaanak ako ng binyag. Ang problema ko nga minsan hindi ko alam kung kanino ako aattend dahil nagkakasabay sabay sa loob ng isang araw. ang ginagawa ko na lang... sa isang simbahan lang ako aattend tapos pupunta nman ko sa ibang mga bahay para kumain.

Nakakatuwa no? :)

Nung bata ako nagcocontest pa kami ng mga pinsan ko kung sino ang may pinakamataas na nakuhang pamasko.. ngayun hindi na ako bata at ako na ang nagbibigay ng pamasko.

Minsan iniisip ko kung bakit favourite ako sa na gawing ninang. Actually marami dun ay mga kapitbahay ko. Sikat ba ko samin? hhmm.. pinapatakbo nila akong barangay kagawad nuong huling eleksyon kaya lang hindi natuloy dahil pupunta ako ng Dubai at hindi rin ako tatakbo dun dahil for sure hindi ako mananalo - meaning hindi nman ako sikat. Galante ba ko? Hindi rin naman dahil alam nila na hindi naman kami mayaman...nakikita nga nila akong nagpapaending lang sa kalye dati.

aahhh basta.. siguro friendly kasi ako sa lugar namin kaya ganun. :)

Kung ang namomroblema nuon sa mga inaanak ko ay ang nanay ko... ngayun... ang nag-iisip sa dami ng inaanak ko ngayun pasko ay walang iba kundi ang aswa ko. Meron kasi kaming rule : "kung anong akin .. sayo" "ang pera nya pera ko rin.. ang utang ko utang din nya.. at ang mga inaanak ko.. ay inaanak na rin nya" ayos ba mahal?

TRIVIA:

Ang pinaka una kong inaanak ay dalaga na ngayun at mag-aabay sa kasal namin ni mister sa December. Ibig sabihin may dalaga na ko at matandang ninang na ko sa edad na 25.