Wednesday, January 30, 2008

a message to manong

A message to manong

Manong,

I’ts 5:18 in the morning and still I can’t slip kahit na ilang bote pa ng san mig ang inumin ko… Nabasa ko na lahat… quits na tayu?

Ok lang khit dalhin mu ko sa luneta…basta kasama kita..

I’m sorry… it’s just me.

Manang

so eto ang love?!

Now I’m one of them

Ngayun alam ko na kung ano ba talaga ang love.

Sa isang kisap masaya ka… pakiramdam mu dinuduyan ka ng mga alon sa paligid. Naguumapaw ang liwanag sa kalangitan.. kahit anong oras lumalabas ang rainbow kahit hindi naman umulan..

Pero sa isang kisap… para kang tinatangay ng alon patungo sa kawalan., at pakiramdam mu tinutusok ka ng isandaang icepick sa bawat himaymay ng laman.

Ganun ba talaga yun?

Alam ko ganu talaga yun.. para kang kumain ng candy at pagkatapos sasakit ang ipin mu sa sobrang tamis.

Shit! Nasasaktan ako ngayun…

Parang kelan lang mahal ni manong si manang..

Pinilit kong umuwing Pinas para sa kanya.

At Ngayong nasa pinas ako?

Hindi ko na alam.

At ang sakit..

Kasalanan ko alam ko.. but I do really love him with all my heart. I know hindi matutumbasan ng flowers na ipinadeliver ko sa office nya, at ng red roses ulit na personal na inihatid ko kanina kung anu man ang nararamdaman nya..

Gago lang ako pero mahal ko sya.

Hindi ko naman sya niloko in the sense that I know… pero para sa kanya gumawa ako ng isang malaking kasalanan na kelangan ko pagdusahan.

At hindi nya yun makakalimutan.

Kung hanggang kelan hindi ko alam.

Mahal ko pa ba sya?

Sobra.

Sobra na nasasaktan ako ngayun..habang tinitignan ang picture nila ng ex nya.

At pakiramdam ko wala na kong karapatang magalit..


Before nakita nya yung pic ko at ni ex.. but I have reasons for that..

Quits ba?


Pakiramdam ko wala na kong right magreact.. wala na kong karapatang magalit…Siguro hindi na talaga ako credible na paniwalaan.. I ruined everything..

Ngayun.. eto ako.. karamay si pareng San Mig Lights at si pareng Marlboro…

Umiiyak at nasasaktan..



-Salamat sa pana mo kupido.