Monday, March 7, 2011

isa ka lang kwento

do you honestly believe that we are meant for each other? ikaw ay para sakin at ako ang para sayo? na ikaw ang better half ko at ako ang better half mo? na ikaw ang leading man ko at ako ang leading lady mo..? naniniwala ka ba? panaginip lang ba ang laat? hindi ka ba totoo? hindi ba ikaw ang prince charming sa istorya ng buhay ko?

at hindi ka nga totoo.. ako lang ang gumawa ngsarili kong fairytale.. walang magic. ako lang ang naghokus pokus ng buong kwento. walang love a first sight. walang namimiss kita..walang totoong hugs and kisses..walang kilig.. walang i love you...walang love..

walang love.. walang tayo.. walang ikaw at ako.

ang tanging meron lang ay "ako" at at ikaw? ikaw ay hindi ko pag-aari. ikaw ay isa lamang kwento. isa ka lamang panaginip. isa ka lamang tauhan sa bawat daydreaming ko. isa ka lang pangarap.

at ako? ako ang umaasa at nananalangin na sana one day maging totoo ang pangarap ko..na sana lumabas ka na totoong mundo mula sa bawat panaginip ko. na sana maging katotohanan na ang bawat pangyayari sa kwento ko..na sana marinig ko na ang bawat "i love u".. na sana maramdaman ko na ang mga hugs and kisses.. na sana tumagos na hanggang buto ang kilig ko.. na sana maging katotohanan na ang "i love you".. na sana magkaron na ng love.. ng tayo. ng ikaw at ako..

at sana maging pag-aari na kita sa totoong mundo ko..

kelan ka ba magpapaangkin sakin?
bilisan mo..

...baka mapagod na'ko..

- posted at http://jenzkiedo.multiply.com/journal/item/206/bat_di_nauubos_ang_sorry isang taon na pala ang nakakaraan.

No comments: